Maraming salamats sa flood votes ;)
-M
-----------------------/ /--------------------------
---° Neo's POV
"Ito lang ba ang kailangan ko Eoin? Sample ko lang?" paninigurado ko dito.
"Oo nga. Kulit mo. Ganyan ka na ba kaexcited maging ama?"
"Medyo."
"O ito pa pala." at inabot sa akin ang isang folder.
"Ano to?"
"Home Service Bed Partners."
"Talaga?"
"Gago. Naniwala ka naman. Mga possible candidates mo na maging surrogate mother ng magiging anak mo."
Napatango naman ako. Isa-isa kong tinignan ang mga babae. May picture, family background, medical records din. Lahat ay original records.
Wow. Maganda ito. Masasabi ko na maigi kung sino ang dapat magdala ng magiging anak ko.
"Paano Pare? Aalis na ako. After one week, tawagan mo ako. Sabihin mo sa akin kung sino para makausap ko na din yung branch ng hospital sa US na pagdadalhan mo ng sample mo. Para macontact na din yung prospect mo. Okay na ba yan, Pare?"
Tumayo ako. "Oo naman Pare. Maraming Salamat Eoin. You're a lifesaver." at tinapik tapik ko pa ito sa balikat.
"Oi Pare. Ipapaalam ko lang sa'yo na may bayad to. Malaki." at ngumisi pa. Napailing ako. SAbi na eh. Mga ito talaga. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan tong mga to.
"Oo na. Ang gastos pala talaga magka-anak. Ngayon ko lang napatunayan." naiiling kong sabi.
"Hahahahaha. To think na ipagbubuntis pa lang yan. Hindi pa lumalabas."
Napabuntong hininga ako.
"At dahil magiging Ninong naman ako, hindi ko na hihilingin ang bayad. Isa na lang hihilingin ko."
"Ano yun? Kahit ano pa yan."
"Masserati lang, masaya na ako." and he smirked at me.
Aba! Sobra to ha!
"Babayaran ko na lang yung surrogate mother. Eh sampung beses pa hinihingi mo ha!" angil ko dito.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...