Dedicated to: ChiiChoy
Maraming salamat talaga sa supporta at sa pagboto dito palagi. (^__^)v
-M
------------/ /------------
---° Neo's POV
Hindi ako makahinga.
Yan ang nararamdaman ko ngayon. Naninikip ang dibdib ko at gusto ko ng ibato sa bonfire itong frame na hawak ko.
Sosyal kailangan bonfire pa. Pwede naman itapon lang sa trash can.
Napailing ako. Sino ka? SINO KANG DAMUHO KA NA HINALIKAN PA NI DORY? AT WALA AKONG PAKIALAM KAHIT SA PISNGI PA YAN O KAHIT SA PATAY NA KUKO O SA BALAKUBAK PA!
Medyo gross na Neo.
Okay. Okay. Kalma Neo.
HINDIIIIIIIII!!! HINDI KO KAYANG KUMALMA!!! HINDI KO---
"Nemo okay ka lang?"
"Yes Dory. I'm super fine." and I flashed my best smile. Naks Neo. Parang nanalo sa oscars ang ngiti mo.
"Okay. Sabi mo eh."
"Bakit Dory? May kailangan ka ba?"
"Ahh oo. Papaurong ko sana itong aparador. May nahulog kasi ako habang nagpupunas ako."
"Oh sure." sabi ko at tinaob ulit yung frame.
Ha! Magtutuos pa tayo mamaya!
Pumunta na ako kay Dory at tinulungan ito. Inurong ko yung aparador at kinuha naman nito yung nahulog dun matapos ay binalik ko na. Nagpatuloy naman kami sa paglilinis at ng matapos kami sa kwarto ay sinimulan naman namin isunod yung kusina.
"Sigurado ka ba Nemo na kaya mo pa?" nag-aalalang tanong ni Dory. Tumango naman ako dito.
"Oo naman. Ako pa." assured ko dito. "Simulan na natin. Lilinisin muna natin yung mga taas ha?"
"Okay Sir Nemo!"
"Okay! Ako ang aakyat. Tapos ikaw ang magbabanlaw ng basahan ko. Okay lang?"
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...