Dedicated to: ShaneTheInsane
Ya hello (^__^)v Maraming salamat sa flood votes at comments mo. I'm happy at sabi mo nga silent reader ka, pero nagcocomments at votes ka dito. Saka sa flood votes mo pa sa iba ko pang mga gawa. Thank you so much talaga! (^__^)v
-M
--------/ /-----
% Dory's POV
Napabuntong hininga ako. Nasa grocery ako. Medyo ubos na kasi ang laman ng ref. Namimili ako ng mga lulutuin ko.
Oo, lulutuin ko. Ilang araw na kasing hindi nagpapakita sa akin si Nemo. Ni hindi nga ito tumatawag o text man lang. Nag-aalala na nga ako dito. Pero naisip ko, baka abala lang sa trabaho nito.
Namili pa ako ng ibang prutas at gulay. Kahit papaano... may alam na naman ako. Tinuturuan din kasi ako ni Nemo ng mga simple pero masustansya na mga luto para daw healthy kami.
Napadaan naman ako sa mga chips.
Kukuha sana ako ng maalala ko ang sinabi nito once na kukuha ako.
"Dory... alam ko gusto mo ang chips. Mas maganda na fruits ka na lang or cookies or biscuits. Mga bread na lang. Para healthy si baby. Ngayon lang naman. Pag nakalabas na... ako pa mismo bibili ng ilang kahon para sa'yo. Magpakasawa ka."
Naibaba ko yung kamay ko at tinulak yung cart palayo. Pumunta ako sa bread section at kumuha na lang ng tinapay. Magpapalaman na lang ako ng sardinas at tuna. Namiss ko na din palang kumain ng ganun. Pumila na ako sa cashier at dahil nga buntis ako...mas napadali sa akin. Pagkabayad ko ay saka ko lang napansin na medyo naparami pala ako. Nakalimutan ko na hindi ko nga pala kasama si Nemo.
"Uhh... ahh..." sabi ko. Tatawag na lang siguro ako ng mag-aassist at magtaxi na lang pauwi. Akmang kukunin ko ang mga bags ay may mga kumuha nun. Agad akong natuwa. Baka kasi si Nemo na. Masayang lumingon ako sa may-ari ng kamay.
"Ne---"
"Ne-oin!"
"At Ne-rskin!" nagulat naman ako sa nakita ko. Sina Eoin at Erskin pala. Nasa mga kamay na nila ang ibang pinamili ko.
"Kami na magbibitbit ha? Hindi ka pwede at buntis ka pa naman." nakangiting sabi ni Eoin.
"Tara na. Kumain na tayo." sabi ni Erskin. Tumango na lang ako at sumunod sa kanila palabas sa grocery.
------------
"Dory... anong gusto mong kainin?" tanong ni Erskin.
"Uhmm... kayo na bahala."
"Okay." sabi lang nito. Pumasok na kami sa isang fast food chain. Naghanap muna kami ng pwesto at pinaupo na muna nila ako at iniwan ang mga pinamili namin tapos umalis na sila at pumunta sa counter. Patingin tingin lang ako at nakita ko ang playground. Ang daming mga bata na naglalaro.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...