Dedicated to: Usagi_87
Maraming salamat sa supporta, flood votes at feedbacks mo dito. Maraming salamat ulit (^__^)v
-M
----------------/ /--------------
---° Neo's POV
Ilang araw na din ako kung bumisita kay Dory. Minsan nga dito na ako dumideretso pagkatapos ko sa trabaho. Pinagluluto ko ito ng kung ano-ano. Sabi nga ng nanay ko...
"The way to a man's heart is through his stomach. Applicable din yan sa babae. Hindi kita pinakuha ng culinary kung hindi mo gagamitin ngayon. Galingan mo sa panliligaw Neo, anak ha?"
Yan ang sinabi niya sa akin nung humingi ako ng payo sa kanya. Ang galing talaga ng nanay ko. Kaya mahal na mahal ko yun eh. Spoiled na spoiled ako. Kaya heto ako ngayon... nagluluto ng kalderetang baka.
"Dory... malapit na itong matapos." sabi ko dito.
"Okay." sabi lang ni Dory at busy pa din sa panonood ng Naruto. Mukhang seryoso ito na tapusing ang palabas. Pero hinayaan ko na. Ang importante, kasama ko siya. Tapos nasa bahay lang din siya. Walang makakalapit sa kanya kundi ako lang.
"Hehehehe..."
"Nemo may sinasabi ka ba?"
"W-wala ha." narinig niya pala ako. Tumabi ako dito. "Mukhang sineryoso mo na talaga yan ha?"
"Oo nga eh. Maganda pala ito. Kaya pala mabenta sa lahat. Buti na lang at preggy ako ngayon at nakakapanood ako. Kung hindi... naku malamang tapos na Naruto hindi ko pa din napapanood."
"Pwede ka pa din naman manood eh."
"Ha? Paano naman?"
Pag-asawa na kita. "Pag day-off mo." tumango-tango naman ito.
"Sabagay. Kesa nakatutunga ako dito."
"Tignan ko lang yung niluluto ko at kumain na tayo." tumango lang ito at pumunta na ako sa kusina. Nang masiguro ko na okay na ay naghain na din ako. Tinawag ko na ito at pinause muna nito ang pinapanood at kumain na kami.
"Grabe Nemo... tataba talaga ako sa'yo." sabi ni Dory at sarap na sarap sa niluto ko. Napangiti naman ako ng malaki.
Patikim pa lang yan Dory...
"Bakit ang galing mong magluto? Talagang gusto mo?"
"No, actually... hindi gaano. Pero pinakuha ako ni Mom. Bago ako umalis dito sa Pinas para kunin ko yung Masteral ko sa US. Ayaw daw niya na magutom ako kaya siniguro niya na marunong akong magluto bago ako lumayo. Kalaunan nag-enjoy naman ako. Saka nagamit ko din naman." Lalo na ngayon. Dagdag pogi points na naman ako.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
Romanzi rosa / ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...