Finding ten

7.2K 241 10
                                    

Dedicated to: Littlehartz_ZL


Maraming salamat sa flood votes mo dito at sa pagsupporta mo kay Nemo. Salamats din sa mga votes mo sa isa kong random story- Monday. Thank you!

-M

--------------------/ /-------------------


% Dory's POV


Agad na nagmartsa ako palayo mula dun sa shop na nakita namin. Hindi naman dahil kay Nemo. Kundi dahil sa nabasa ko.



Daddy.



Kailangan ba talaga ng anak ko yun? Nandito naman ako di ba? Hindi ko naman siya iiwan. Hindi ko din siya ipagpapalit. Hindi ko naman siya sasaktan. Pero kailangan ba talaga? Kaya ko din naman gampanan ang tungkulin na yun.



At kung sakaling hanapin nga ng anak ko ang tatay niya. Paano ko ipapaliwanag sa kanya? Anong sasabihin ko?


Sasabihin ko ba na 'Anak, pasensya na at wala kang tatay. Hindi ko din kilala kung sino. Kinuha lang kita mula sa isang container.'


Ang harsh di ba? Paniguradong masasaktan ang anak ko. Paniguradong iiyak siya. Dahil hindi ko maibigay sa kanya ang isang bagay na karapatan din niyang magkaroon.



Yun ay ang isang ama.



"Dory... sorry. I was insensitive. Please don't cry. Makakasama kay baby." alalang sabi ni Nemo. Nasa harapan ko na ito ngayon. Tinutuyo nito ang mga luha na nasa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Basa ito. Ngayon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako.


Huminga akong malalim. Tumango ako. Masyado akong nagiging emotional. Sabi naman ni Luke, normal na sintomas ito sa mga buntis.


"Okay na ako Nemo. Salamat. Pasensya na at iniwan kita dun." hinging paumanhin ko dito. Ngumiti lang ito sa akin.


"It's okay. Naiintindihan ko naman. Sorry at naging emotional ka dahil sa pinakita ko. Nakalimutan ko ang situasyon na meron ka ngayon. I'm sorry." tuwid sa matang sabi nito. Tipid na ngumiti ako.


"Okay lang Nemo. Walang problema sa akin yun. Sorry din at medyo emotional lang ako ngayon."


"Walang problema. Normal naman yan. Tara na. Nang makapagtanghalian na din kayo ni baby." aya nito sa akin. Tumango lang ako. Pumunta na kami sa parking lot. Pumunta na kami agad sa sasakyan nito. Sa may likod muna kami para ilagay ang mga pinamili. Tutulong na ako dito na maglagay ng plastic na mga pinamili pero pinigilan ako nito.


"Dory. Sabi ko naman sa'yo, wag kang magbubuhat. Masama sa'yo. Ako ang lalaki. Akong bahala sa mga ito. Pumasok ka na dun." nguso nito sa loob. Isa-isa na din nitong nilalagay ang mga plastic.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon