% Dory's POV
"Tell me Dory... who's the father of your child?" seryosong tanong ni Nemo. Napanganga ako. Ramdam ko ang pamumutla ko.
Hindi. Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman niya ang totoong situasyon na meron ako. Kailangan kong umisip ng iba.
"Uhmm... I had another boyfriend?" sabi ko pero alam ko na medyo alangan ang sabi ko.
"And based on what happened to us, a week ago... I can conclude that... I was... your first." tuwid sa matang sabi nito. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko. Nag-iwas agad ako ng tingin.
Nalilito na ako. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Bigla ko naman naramadaman ang kirot sa tiyan ko.
"Dory... how? How did that happen?" litong sabi nito. "Akala ko talaga yung gunggong na yun eh. Pero sinabi niya sa akin na four years na kayong hiwalay! At sinabi mo na wala ka ng naging boyfriend pagkatapos. Maniniwala ako kung may sumunod. Pero ako ang una! And now you are already pregnant even before something happened to us!" sabi nito. Agad na lumapit sa akin ito. Masuyo nitong hinawakan ang mga pisngi ko at pinilit nitong hulihin ang paningin ko.
Sinubukan kong hindi kami magkatinginan pero nabigo ako. Nagkatinginan din kami.
"Tell me Dory... how? And w-who?" nangungusap na sabi nito. Tinabig ko ang mga kamay nito na nakahawak sa pisngi ko.
"Surrogate." mahinang sabi ko. Napayuko naman ako.
"Huh?"
"Surrogate!" sigaw ko. "Nagpasurrogate ako. Ayaw ko ng magkaroon ng kahit anong connection sa kung sinong lalaki! Pero gusto kong magkapamilya ng akin! Pero imposible lalo na sa situasyon ko! Gusto ko din maging isang ina! Pero paano ako magiging ina kung wala akong boyfriend ni asawa man lang? Kaya kahit surrogation, pinatulan ko! Pathetic, di ba?" naiiyak na sabi ko. At dahil sa pagsigaw ko ay lalong naghilab ang tiyan ko. Mas masakit na ito ngayon. Huminga akong para pakalmahin ang hilab na nararamdaman ko. Pero lalong sumasakit na ito.
"Dory..." tangka nitong lumapit pero lumayo ako.
"Nasabi ko na Nemo. At wag mong tanungin sa akin kung sino dahil ako mismo ay hindi alam! Nakakafrustrate man... pero nagbubuntis ako sa anak ng taong hindi ko pa nakikita o nakikilala man lang!"
"Dory---"
Pero biglang humilab ng sobra ang tiyan ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng madami tubig mula sa binti ko. Natulala naman ako. Gayon din si Nemo.
Agad naman nakabawi si Nemo. "Uhh... Dory... kung naiiihi ka... pwede mo naman sabihin eh. Wala naman problema sa akin kung kailangan mo munang magbanyo. Maghihintay ako. Kaya sige na. Punta ka na sa banyo. Ako na bahalang magpunas niyan." nakakaunwanag sabi nito at nag-iwas pa ng tingin. Ramdam ko ang pananakit ng tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...