Dedicated to: RieRieChan15
Ayun oh. Maraming salamat sa flood votes mo dito (^__^)v At dahil dyan... sa'yo ang chapter na to. At pasensya na at laging nagiging chat box ang post niyo ni Casidy. May feeling ako na magiging chat box na naman ang unang magcocomment sa inyo. HAHAHAHAHAHAHAHA!!! Maraming thank you ulit! (^__^)/
-M
----------/ /---------
---° Neo's POV
Kung nakamamatay lang talaga ang tingin malamang nag-aagaw buhay na ako sa ambulansya. O baka dito pa lang wala na. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Nasa loob na kami ng bahay pero pakiramdam ko talaga nasa loob ako ng oven eh. Tagaktak na tagaktak na talaga ang pawis ko. Pasimple ko pa ngang pinupunasan. Sino ba naman hindi papawisan. Doon sa tapat ko na pang isahang sofa din nakaupo ang tatay nito.
At pinupunas punasan ang itak nito habang nakatingin ng masama sa akin.
Oo. Sa harap ko talaga ito nagpupunas ng itak nito. Di ko naman din masisisi ito eh. Syempre... ikaw ba naman na may anak na ilang buwan di mo nakita... tapos pagbisita mo may kasamang lalaki at buntis na yung anak mo. Baka nga shotgun o tinadtad ko na ng armalite yung lalaki. Pero...
Parang mas masakit talaga yung itak lalo na at ang smooth and shiny na niya oh. Ang kintab na niya mga brad. Tapos madudungisan lang ng dugo ko. Sayang ang pagkakashine nito. Napalunok ako.
Anak... hindi ko alam. Pero mukhang may mawawala sa akin eh. Sana tanggapin mo pa din ako. Wag kang mag-alala. Ipapasave kong maigi yung mukha ko para masabi mo pa din na 'Ang gwapo gwapo talaga ng Daddy ko! Pinakagwapo in the whole wide universe! Siya ang pinakapogi sa lahat ng Daddy in the whole wide world!' Kahit ayun na lang pakunswelo sa akin. Kung babae ka man... ganyan din ang sasabihin mo sa akin ha? Naku baka ganito din mangyari sa mapapangasawa mo... ayiee mapapangasawa talaga? Oh siya mamaya na ako mangangarap at baka maputol kung sakali na ako ay tagain na---
"HOY LALAKE!"
"Ahh!" nagulat naman ako sa biglang pagtawag sa akin. Napatalon pa nga ako sa inuupuan ko eh.
"Anong tinutulala mo dyan?" Mabilis naman akong umiling.
"Wala po."
"Matanong nga kita."
"A-a-a-ano po yun?"
"Kaano-ano mo ang anak ko? HA?"
"Ano po..."
"Sumagot ka ng tapat."
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
Literatura Feminina% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...