Dedicated to: Fleur de Liz.
Farina! Miss na kita. Miss ko na mga kaBL natin. Sira si BL eh. Kaya dito lang ako lagi nakatambay. Sana magawa na si BL ko ng makapagchikahan ulit tayo!
------------------------------/ /-------------------------------
---° Neo's POV
Natapos din namin panoorin yung film. Infairness... maganda nga siya. Kahit na noon pa itong palabas na ito, ngayon ko lang napanood. At may nadiskubre ako.
May pagkakapareho kami ni Nemo.
Kung si Nemo ang hinahanap... si Nemo naman ang naghahanap. Kung si Nemo noon ang anak... siya naman ngayon ang ama. Kung siya ay isda... sa akin naman ay sperm. Anong problema kung pinagcompare ko yung huli? Pareho naman silang lumalangoy ha?
Hmmm... May pagkakapareho nga kami. Tumango tango pa ako sa isip ko.
Kaya sana tulad ng sa film... magkatagpo na din kami ng nawawala kong anak. Para happy ever after!
"Kung ikaw ba yung tatay ni Nemo... hahanapin mo din ba yung anak mo kung sakaling nawala siya?" biglang tanong ni Dory. Nakasandal ang ulo nito sa may balikat ko. Agad na napalingon dito. Gulat na gulat sa tanong nito.
Alam na ba ni Dory? Sinabi ko na ba sa kanya? Hindi pa naman di ba? Saka biglang nawala na siya kaya hinahanap ko na...
"Hypothetical lang naman, Nemo. Masyado ka namang gulat na gulat." natatawang sabi ni Dory.
I cleared my throat. "Yes. Of course." seryosong sagot ko. Lumayo naman ng konti sa akin ito at tumingin sa akin.
"Anong gagawin mo pag nakita mo na siya?" tanong pa nito.
Ano nga ba ang gagawin ko?
Humarap ako dito. "I'll take him back. I'll get him no matter what." seryosong sabi at puno ng determinasyon na sabi ko. Nakatingin lang ito sa akin. Tumikhim naman ito.
"Lagay ko lang sa kusina yung mga nagamit natin." sabi lang ni Dory at kinuha na ang mga platito na pinagkainan namin.
"Tulungan na kita." volunteer ko.
Agad na tumanggi ito. "Sus wag na. Ikaw na nga nagbigay ng cake, ikaw pa magliligpit. Saka kokonti lang naman nito. Okay na din sa akin ito. Exercise na din namin ni baby." nakangiting sabi nito. "Kaya upo ka lang dyan. Kung may gusto kang panoorin... feel free, okay?" dagdag pa nito. Tumango lang ako dito at nagpunta na ito sa kusina.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...