Finding twenty three

5K 192 75
                                    

Dedicated to: EllangMagbanua56 

Ellang! Maraming salamat sa pagsupport mo dito.(^__^)/

-M

-----------/ /----------


---° Neo's POV


HIndi ako mapakali habang nakaupo ako dito sa isang opisina na pag-aari ni Eoin. Agad na nagtungo ako ng mabalitaan na may mga nanganak na agad. Syempre nagulat ako at seven months pa lang naman. Premature birth daw. Kaya karamihan din ay mga nasa incubator pa daw.


"Ito pala ang ibang papers, Pare." sabi ni Eoin ng makapasok agad ito sa opisina. Agad na tinanggap ko ang mga yun at binasa. Ang iba pala sa kanila ay nakunan pa. Nanlumo ako.


"May miscarriage yung iba..."


Tinapik naman ni Eoin ang balikat ko. "Normal yan Pare. Hindi naman kasi lahat healthy sa pagbubuntis."


"Paano kung... paano kung..."


"Ipanalangin na lang natin na nasa mabuting kalagayan ang anak mo."


Napabuntong hininga ako ng malalim. "Sana nga Pare. Sana nga." Nakakakuanwa naman na tumango si Eoin. 


"Ano tara na?"


"Saan?"


"Sa Pedia ward. Punta na din tayo at tignan natin yung ibang sanggol. Malay mo maramdaman mo yung sinasabing lukso ng dugo." tumango-tango naman ako at tumayo. Lumabas na kami ng opisina at pumunta sa mga bagong panganak. Nasa labas lang kami. Nakatingin lang ako mula sa glass window. Dati wala akong pakialam sa mga sanggol... pero ngayon, ngayon na tintignan ko sila. Iba na ang nararamdaman ko. Gusto ko silang lapitan at kargahin isa-isa. Napatingin naman ako sa isang parte. May isang baby doon na may tubo pa. Nakaramdam naman ako ng kirot habang pinagmamasdan yun.


"Eoin... sino yung batang yun?" turo ko dun sa batang nasa elevator.


"Ahh yun ba? Wag kang mag-alala. Ibang sanggol yan. Narinig ko na mahina ang baga nung bata. Kaso isang construction worker lang ang ama ng bata, tapos kakatanggal pa at kasambahay ang ina kaya walang pambayad sa ospital. Ililipat ata nila sa public hospital yung bata. Kaso I doubt na mas magiging okay ang bata kung iisipin ang surroundings ng ospital." kwento ni Eoin. 


Tinignan ko yung bata. Maya-maya lang ay may mag-asawa na lumapit at tumapat dun sa incubator nung bata. Iyak ng iyak yung babae. Inaalo naman ito nung lalaki na sa hinuha ko ay mister nito. 



Kung... kung ganun ba yung kalagayan ng anak ko... tapos nasa ganung situation din ang mag-asawang nakakuha sa kanya... ano ng mangyayari sa kanya? Gagaling ba ito? Lalo lang bang lalala dahil sa kakulangan ng salapi?


Tinignan ko ang sanggol. Kita ko na patuloy na lumalaban yung bata. Hindi ko alam pero parang may nag-udyok sa akin na gawin ang sa tingin ko ay dapat at tama.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon