Finding eighteen

6.3K 194 23
                                    

Dedicated to: Jezzy21

Maraming salamat sa pagboto palagi dito! (^__^)v

-M

-----------------/ /-------------------

----° Neo's POV


Naglalakad na kami ngayon papunta sa pastry shop dito sa Il Paradiso. Medyo okay na ako compare kanina. Syempre sinong hindi magiging okay nun?



Ang pogi ko daw sabi ni Dory! 



Feeling ko nanalo ako sa Mr. International Most Handsome Man on Earth! Kung meron mang ganyan. 



"Saan tayo pupunta Nemo?"


"Sa Superman's Bakery and Sweets."


"Ha? Ang cute naman!"


Tumango naman ako. "Mas magugustuhan mo yun pag nakita mo yun mismo." 


"Talaga?" naeexcite na tanong nito.


"Yup! Baka nga hindi ka pa makapili kung ano." 


Tinignan ko naman ito at nakita ko na ngingiti ngiti ito. Masaya ako sa tuwing nakikita ko na ganito kasaya si Dory.


Nakarating din naman kami. Actually hindi naman kalayo ang shop dahil pareho lang naman silang nasa Rapture Road. 


"Nandito na tayo Dory." baling ko kay Dory at nakita ko itong halos napatulala na sa nakita. Ang logo kasi ay nang shop ay cupcake na may isang icing sa taas na ang design ay ang logo ni Superman. Nakasulat naman sa wrapper nun ay ang salitang Superman's Bakery and sweets. SA labas ay kita mo na ang pagiging fancy ng shop. 


"Wow." yan na lang ang nasabi ni Dory kaya hinawakan ko na ito sa kamay at iginaya pagpasok. Oi di ako sumisimple ha.




Slight lang.




"Wow talaga!" mangahang sabi ni Dory at pumasok na. Tuwang tuwa ito na umiikot ikot. Tapos lumapit sa counter at isa isang tinignan ang mga sweets na nandoon. Sa kabilang gilid naman ay ang mga tinapay. Bale nahahati sa dalawa sila. Sa kaliwa ang mga sweets. Sa kanan naman ang mga tinapay. Sa mga gilid naman ay may mga upuan at lamesa. Meron itong second floor. Meron din isang paoblong shape na table na may mga upuan sa gitna kung saan ka pwedeng ding kumain. 


"Nemo!" masayang tawag nito sa akin at pinalapit ako. Nakangiti naman lumapit ako. 


"Yes?"


"Grabe dito Nemo. Heaven! Nakakapaglaway masyado yung mga sweets nila!" masayang sabi nito sa akin at binalik ang tingin sa glass na stante sa harap namin. Masayang pinagmamasdan ko ito at nakita ko kung paano nito laging dilaan yung kanyang mga labi. Naalala ko yung muntik ko nang magawa kagabi. Napalunok ako. Natuyo na naman ang lalamunan ko.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon