Finding eight

7.5K 229 74
                                    

To: NileyDee

Hello! Maraming Salamat talaga sa flood votes and comments. Pati na din sa support dito! Nice to meet you (^__^)v


-----------------------------------/ /------------------------------------


% Dory's POV


Ito tulad ng dati. Nagduduwal pa din ako sa umaga. Ngayon napapaisip ako kung hanggang kailan ko ito dadanasin. Naghilamos ako at tumingin sa salamin. Medyo namumutla ako. Naisipan kong maligo na lang at ng mawala ang hilo ko. Nagtanggal ako ng damit at undies ko na lang ang natira. Tatanggalin ko na ng mapatingin ako sa full size mirror sa banyo. Lumapit ako doon. Nilagay ko ang kamay ko sa may puson ko. Kita ko na ang umbok nito. Napangiti ako. Hinimas ko ito.


"Baby...ang bilis mo namang lumaki. Tapos lalaki ka ng lalaki. Pagkatapos nun mararamdaman ko na pagkilos. Tapos ilang buwan pa...makikita na kita. Sobra na akong naeexcite, baby. Magkikita din tayo ng personal." kausap ko kay baby. "Pero sa ngayon, behave ka muna ha? Kailangan magwork ni mommy para sa atin. Kasi madami kang kailangan baby. Kaya pagtratrabauhan ng maigi ni mommy yun para mabigay ko ang best para sa'yo." patuloy pa din ako sa paghimas. "Sige na baby, ligo na tayo, pagkalabas mo, paliliguan ka lagi ni mommy." nakangiti kong sabi at naligo na ako.



Nang matapos ako ay naisipan kong tawagan si Agnes. Kasalukuyan itong nasa bahay bakusyunan nila dahil maselan ang pagbubuntis nito at makakabuti dito ang sariwang hangin. Ilang ring lang ay sumagot din ito.



"Hello?" inaantok pa na sabi nito.


"Ag. Si Dory to."


"Doryyyyyyyyy!!!!" tili nito sa kabilang linya. Nilayo ko bigla ang cellphone ko mula sa tenga.


"Kailangan tumili?" iritang sabi ko. Tumawa naman ito.


"Pasensya naman. Bihira ka kasing tumawag sa akin. Madalas na ako ang tumatawag."


"Yun nga.Pasensya na din. Alam mo naman na abala ako." sincere na sabi ko.


"Wala yun. Alam ko naman yan. Bakit ka napatawag?"


"Ahh...itatanong ko lang sana hanggang kailan ko dadanasin ang pagduduwal? Ang hirap kasi sa umaga."


"Ahh yun ba? Depende sa katawan ng babae. Commonly hanggang twelve weeks. Yung iba, twenty weeks. Yung iba naman hanggang end pa ng pregnancy." paliwanag ni Agnes. Napangiwi ako.



Twelve weeks? Pero nasa twelve week na ako at nakakaramdam pa ako. Baka hanggang twenty weeks pa ako? Matagal pa pala. Huwag naman sana buong pregnancy ko.



"Matagal din pala. Pero titiisin ko ito alang-alang kay baby." nakangiti kong sabi.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon