Finding one

12.3K 280 76
                                    

Maraming salamats sa feedback at vote nito sa booklat, Suh ;)


-----------------------/ /-----------------------


% Dory's POV


"Hais" sabi ko at pabagsak akong naupo sa pang-isahang sofa sa aking apartment. Pagod na pagod ako. Hindi pa ako kumakain ng tanghalian dahil sa dami ng trabaho ko kanina.

"Ano kaya ang uulamin ko? Sawa na ako sa sardinas. Alam ko na. Magtutuna na lang ako." sabi ko at tinungo ang kusina at tumingin sa shelf ko kung may stock pa ako. "Sakto meron pa. Ano kaya sa dalawa? Kaldereta o mechado? Hmmm." nag-isip pa ako. "Alam ko na. Magsasaing na muna ako saka ako mag-iisip." napagdesisyonan ko at agad na nagsaing. Syempre yun ang dapat ko munang gawin dahil ayoko naman papakin ang ulam ko.



Dorothy Tiganan. Dory for short. 26 years old na soon. Single at workaholic. Matagal ng nakabukod sa pamilya. Single at independent. Trabaho at bahay lang. Single.




Teka lang at parang sobra yung isa kong description. 



Oo uulitin ko. 



Single. 



Yan ang status ko at wala akong planong palitan yan.



Bakit? Wala lang. Trip ko lang.




Nagring ang telepono


*ring* *ring* *ring*



"Hello." bagot kong sagot.


"Hello Doryyyy. This is your one and only and one bestfriend. Guess who?" masayang sabi ng nasa telepono.


"Haller. One and only and one na nga di ba? Tapos may paguess who guess who ka pa." irita kong sabi dito.


Tumawa naman ito. "Tama. Ako nga! Your one and only and one bestfriend Agnes! Miss me?"


"No." flat kong sabi dito.


"Ouch naman!" nasaktang sabi nito. Napangiti ako. Kaligayahan na talaga ng buhay ko ang maasar ito.


"Miss you too Agnes. Bakit ka nga pala napatawag?"


"I have some very very very good news for you!" sobrang saya na sabi nito.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon