Dedicated to: Chenila
Maraming thank you sa flood votes mo! (^__^)v
-M
------------------/ /--------------
% Dory's POV
"Nasaktan ako. Nasaktan talaga ako." hindi ko alam pero yan talaga ang nasabi ko. Sinabi ko talaga kung ano ang nasa loob ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Nemo ang mga braso ko na nakayakap dito.
"Bakit? Bakit Dory?" malumanay na tanong nito. Umiling ako at hinigpitan ang yakap dito. At dahil nakayakap ako dito. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nito. Ganito ba talaga kabilis ang tibok ng puso ni Nemo? Yung parang nakikipagmarthon na yung puso niya sa laman loob niya sa loob sa bilis ng tibok nito.
Masuyo pa din na hinimas ni Nemo ang mga braso ko. Dahan-dahan nitong niluwagan at humarap sa akin. Gamit ang kanang kamay nito, hinawakan nito ang mukha ko at nilapit nito ang mukha sa akin. Napalunok naman ako ng biglaan ng magtapat na ang mga mukha namin.
"Bakit Dory? Bakit ka nasaktan? May nagawa ba ako?"tanong nito.
"Uhmmm... nasaktan ako kasi..." hindi ko alam ang sasabihin. "Kasi... natatae lang ako kanina at hinanap ng pwet ko ang toilet bowl ng bahay ko?" alangan na sabi ko dito. Pinilit kong ngumiti pero nauwi yun sa pagngiwi. Napakunot naman ang noo nito.
"Hindi ako naniniwala Dory. Bakit Dory?" Kita ko sa mata nito ang pagsusumano na sagutin ko ito ng tapat. Napakagat ako sa labi ko at marahan na tumango.
"Ano? Anong nagawa ko? Sabihin mo para mabago ko."
"Well... nakita kasi kitang may kayakap eh. Nasaktan ako kahit hindi ko alam bakit. Basta ayoko. Ayoko sana na makita kang ganun." kagat labi kong sabi dito. Naiiyak na naman ako ng maalala ko yung nakita ko. Kahit ba sabihin na nalinawan na ako, nararamdaman ko pa din ang sakit. Halata naman na nagulat ito. Pero kita ko sa mata nito parang... kumislap? Ewan ko. Nanlalabo na din ang mga mata ko dahil naluluha na naman ako. Napatungo naman ako.
"Dory..." at masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko. "Kung yan ang nagawa ko na nakasakit sa'yo. Then I'm sorry. I'm really sorry." sincere na sabi nito. "I didn't know. I'm sorry. I won't do it again."
Umiling naman ako. "Wala ka naman kasalanan eh. Ako naman yun. Nag-assume agad ako. Saka wala naman akong karapatan dun. Kaibigan mo lang naman ako di ba?" sabi ko. Tama naman kasi di ba? Kaibigan niya lang naman ako. Kaibigan ko lang siya.
Yung nga lang ba?
Nakatingin ako sa mata ni Nemo ng sabihin ko yun. Matiim lang din itong nakatingin sa akin. Hindi nga basta tingin. Nakatitig na ito. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nandoon kasi halo-halo siya. Pero may isang emosyon dun na alam ko pamilyar sa akin. Parang nakita ko na noon pero hindi ko na maalala pa.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...