Dedicated to: BlueLazyStone
Hello (^__^) Maraming thank you nga pala sa laging pagboto dito! Sana nag-eenjoy ka! (^__^)v
-M
-------------/ /-----------
%Dory's POV
"Sino ka?" tanong ni gunggong kay Nemo.
"Ako si---"
"Tara na Nemo." sabi ko at hinatak na ito palayo. Pero si gunggong sumunod.
"Siya ba, Dorothy? Siya ba ang pinalit mo sa akin?"
Hinarap ko naman ito. "Wow ha. Epalogs ka talaga noh? Ikaw pa talaga may gana magsabi sa akin niyan?" di makapaniwalang sabi ko dito.
"Dorothy. Akala ko ba ako lang ang mamahalin mo? Alam ko na ako lang. Dorothy---"
"We need to go. She needs to take a rest. Our baby needs to eat. Excuse us." seryosong sabi ni Nemo at iginaya na ako sa sasakyan. Plano kong lingunin si gunggong pero nagsalita si Nemo.
"Don't Dory. Don't.dare.look.back." Nemo seriously said while gritting his teeth. Nanigas naman ako. Nakaramdam din ako ng takot. Sa itsura kasi nito... mukhang handa itong pumatay eh. Tahimik lang akong sumakay ng pagbuksan ako nito ng pinto. Sumakay din ito at pinaandar na ang saskayan. Tahimik ang biyahe namin. Pero alam ko na galit ito base na din sa higpit ng hawak nito sa manibela. Namumuti na kasi ang knuckles nito.
Nang makarating kami ay pinagbuksan pa din ako nito ng pinto at inalalayan bumaba. Agad na pinaupo naman ako nito.
"Just stay there. I'll cook dinner." sabi lang nito at nagtungo na agad sa kusina. Binuksan ko na lang yung TV.
Sa totoo lang... medyo naiilang ako. Kasi... paano ba... first ko eh.
Laging masayahin si Nemo. Pero ngayon, first time kong makita na ganun si Nemo.
Peste talaga si gunggong oh.
-----------
---° Neo's POV
Hingang malalim. Kanina ko pa pinapakalma talaga yung sarili ko. Kaso ang hirap. Ang hirap hirap. Lalo na nasa harap ko lang kanina yung taong gusto kong balatan ng buhay at itapon sa gitna ng Antartica ng walang parachute. Brutal na sa brutal. I don't care. Siya kasi.
Siya yung nasa picture. Siya yung nakita kong hinalikan ni Dory sa pisngi. Siya yung nakita ko kung gaano kasaya si Dory noon at siya din ang dahilan kung bakit ito ganun na lang ngayon. At masakit man isipin at tanggapin...

BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...