Chapter 2

8.8K 50 0
                                    

"Ay kabog na kabog naman pala talaga ang school ng jowa mo besh!" sabi ni Gab habang nandito kami sa labas gate ng school nila Hux.

Hindi niya raw kasi ako masusundo dahil malelate siya ng isang oras dahil sa practice pero nag-decide ako na ako na lang ang pumunta sa kanya kahit na out of way ito pauwi sa amin. Sinabi ko 'to sa kanya. Nung una ayaw niya pa ako payagan dahil mag-isa lang daw ako unless may kasama daw ako kaya sinama ko si Gab at ang dalawa ko pang tropa, si Ara at Chin. Sabado naman bukas so pwede daw sila ma-late ng uwi kahit kaunti.

3pm ang uwian namin ngayon at ganun rin sila Hux kung wala lang silang practice.

"Pwede kaya tayong makapasok sa loob?" sabi ni Ara. "Parang ang daming pogi dun oh." 

"Message mo naman jowa mo bhie, baka pwede tayo pumasok." dugtong ni Chin.

Never pa na-meet ni Ara at Chin si Hux. Dahil nung time na nandito sila Hux ay saktong lumalaban din sila sa ibang school dahil parehas silang varsity ng women's volleyball sa school namin. Hindi rin nila natityempuhan si Hux kapag sinusundo ako dahil may training sila madalas sa hapon. Ngayon ang free time nila kaya excited silang sumama sa amin ni Gab.

"Gagi, lalabas na rin siguro yun maya-maya. Nakakahiya naman pumasok sa loob." sagot ko.

Hindi naman nila ako pinansin at napangiwi na lang ako nung lumapit sila sa guard.

"Kuya pwede ba pumasok? Pupuntahan lang namin yung jowa netong friend namin." sabi ni Ara.

"Ay hindi pwede ma'am unless may permit kayo." sagot nung guard.

"Ay mag-iinquire na lang kami kuya. Dyan kami mag-eenroll next year." pag-sisinungaling ni Gab dahil graduating naman na kami this year sa senior high at hanggang SHS lang ang meron sa school nila Hux.

"Hintayin niyo na lang yang kung sino mang jowa ng kaibigan niyo. Labasan na rin naman maya-maya."

Ngumuso naman silang tatlo.

"Nakakahiya kayo tanga." sabi ko.

Maya-maya lang ay nakita na namin ang mga kumpol ng mga lalaking naka-varsity jakcet na naglalakad papunta sa gate at agad naman sumilay ang ngiti sa labi ko nung makita si Hux. Kinawayan ko siya at abot tenga din ang ngiting ibinigay niya sa akin. Dali-dali siyang lumabas ng gate kasama ang iilan sa ka-team niya. Isa sa kasama niya yung mukhang ipis na tumawag sakin noon sa labas ng school namin.

"Ay bongga. Ang gwapo nga ng jowa." dinig kong bulong ni Chin.

Nung makalapit sa amin si Hux ay agad niya akong niyakap.

"Ay? Dito pa talaga sa harap namin?" sabi ni Ara at napabitaw ng yakap si Hux at isa isang tiningnan ang mga kasama ko.

"Ay friends ko. For sure you know Gab, pero eto sila Ara at Chin, yung lagi ko kinikwento." sabi ko kay Hux at nginitian niya naman ang mga ito.

"Nice to meet you, Chin and Ara. I'm Hux, one and only ni Alice." pag-papakilala ni Hux sa kanila at natawa naman ako.

"Ang pormal naman." sabi ko.

"Ah, si Lenard at Charles nga pala." pag-introduce ni Hux sa mga kasama niya.

"Kilala kita eh." sabi ko dun kay Lenard, yung humarang sakin noon. Natawa naman siya.

"Sorry na." sagot niya. 

Nagpakilala naman sila kay Chin, Ara at Gab.

Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa school nila. Magpapasundo daw si Hux sa driver nila dahil tinatamad na daw siya makipagsabayan sa mga umuuwi. Nag-offer rin siya na ihahatid niya rin ang friends ko.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now