"So what's the score between you and John?"
"I like him but, he's not my priority, not now."
"Aww. Sayang naman besh. Si John na 'yun eh."
"Look. Next year graduating na ako. Hindi ko na maisisingit yung love life na 'yan. Nag-promise din ako kay Dad na no boyfriend muna hangga't di pa graduate."
Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawang babaeng estudyanteng nag-uusap dito sa loob ng CR. Nag-aayos sila ng mga sarili. Kumbaga, nag-reretouch.
Nakakatuwa ang isa, alam niya ang priorities niya. Bagay na sana ay ginawa ko din noon at wala sana ako sa sitwasyon ko ngayon.
Nang matapos sila ay agad silang lumabas at ako naman ay naiwan dito habang pawis na pawis at patuloy sa pag-mop dito sa CR.
23 years old na ako pero hindi pa din ako nakakatungtong ng kolehiyo. Senior high lang ang tinapos ko nung mag-desisyon akong mag-trabaho na lang.
Trabaho para sa pamilya ko, para sa tatay kong na-stroke, para sa nanay kong patuloy sa pag-lalabada, para sa tuition fee ng kapatid kong single mom na gustong ipagpatuloy ang pag-aaral, at para sa pangangailangan ng pamangkin ko.
Sa araw-araw ng buhay ko, tila pasan pasan ko ang lahat. May pagkakataon na gusto kong sumuko pero pinipilit kong lumaban. Kasi dapat kaya ko, kasi ako na lang inaasahan ng pamilya ko.
Araw-araw nga akong pumapasok sa University na 'to pero hindi bilang estudyante kundi isang janitress. Dalawang taon na ako dito. Kahit nakakapagod ay ito ang pinaka-gusto ko sa lahat ng trabahong napasukan ko. Siguro dahil dito malapit ang puso ko. Dahil gustong gusto ko makatungtong ng unibersidad. Gustong gusto ko makapag-aral ng kolehiyo.
Pero matagal ko nang tinanggap na ito na ang karma ko dahil sa mga naging desisyon ko noon.
Maaga akong nag-mahal. Maaga akong napariwara dala ng pag-ibig. Maaga kong ibinigay ang lahat sa isang taong hindi na parte ng buhay ko ngayon. Pero malamang ay parte na ng buhay ng mga taong nasa paligid ko o saan mang lugar dito sa mundo.
Si John Huxlee Valencia.
Isang aktor.
My first love. My ex. My captain fish.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nung may tatlong babaeng pumasok
"Omg. It was him right? Totoo ang chismis right?" Hinihingal na sabi nung isa na animo ay kinikilig.
"Totoo yun! Sure ako dito sila mag-shoshooting." Sabi naman nung isa.
Hindi ko na lang pinansin ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko din naman maintindihan kung tungkol saan.
"Hux is damn hot! Sana makapagpicture tayo sa kanya."
Awtomatikong nag-pintig ang tenga ko dahil sa narinig ko.
"True! Nag-mamadali kasi sila kanina eh, mukhang chineck lang 'tong uni. Sana ito mapili nila."
Hindi ko mapigilang hindi sumingit sa usapan nila.
"E-excuse me, si Huxlee ba yung tinutukoy nyo? Yung artista?" Nahihiyang tanong ko.
"Yes Ate!" Masiglang sagot nung isa. "Fan ka din no?" Sabi nung isa at pilit na lang akong ngumiti.
May kung anong humaplos sa puso ko.
Posibleng makita ko siya ulit.
Pero hindi ko hahayaang mangyari yun.
Dahil ayoko na..
Ayoko nang mapalapit ulit sa mundo niya.
Hindi dapat.
Hindi pwede.
Hindi kami para sa isa't isa.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️