Hux's POV
I am not sure if what I'm going to do would be the right thing. Nandito ako sa tapat ng bahay nila Alice. I'm feeling anxious right now pero kailangan kong gawin 'to.
Kakatok na sana ako sa gate nila nung biglang may lumabas sa pinto. It's Andeng.
Kita ko pa ang pag-tataka sa itsura niya. Parang kinikilala niya kung sino ako. I understand that it would be hard to tell since naka-disguise ako and naka-facemask din.
"Sino po sila?" Tanong nito.
"Ahh.. A-Andeng, it's me.. Hux."
Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na lumapit at binuksan ang gate. Tumingin tingin pa siya sa paligid at agad akong pinapasok.
"Kuya Hux, anong ginagawa mo dito?" Tila natatarantang tanong niya.
"I just wanna talk to Tito and Tita." I said referring to their parents.
"Nak, sino yan?" Biglang silip ni Tita sa screen ng pinto nila at gaya ni Andeng ay nag-taka ito na makita ako.
"P-pasok po Kuya Hux.." Sabi ni Andeng at nakita ko ang gulat sa itsura ni Tita.
Nahihiyang pumasok naman ako sa loob ng bahay nila.
"T-Tita.."
"Hux.. ikaw na ba yan?"
Inalis ko ang disguise at facemask sa mukha ko.
"Opo.." sagot ko at nag-mano sa kanya.
"Sino yan?" Dinig kong tanong ni Tito na kakalabas lang ng kuwarto at nanlalaki ang mga mata niyang makita ako.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ni Tito sa akin habang papalapit sa harap ko.
Halos pare-parehas silang nagulat sa ginawa ko dahil lumuhod ako sa harap nila.
"I-Iho.." Sabi ni Tita.
"Sorry po sa lahat nang nagawa ng pamilya ko. Lalong lalo na po sa ginawa ng Tatay ko sa inyo.." Sabi ko habang nakatingin kay Tita. "Patawad po kung nasira ko ang tiwala niyo." Dugtong ko at tumingin naman kay Tito. "Sorry po kung sa pangalawang pagkakataon ay sinira ko ulit ang buhay ni Alice.. sorry po kung hindi ko siya na-protektahan. Sorry po kung dahil sakin nasaktan siya." Hindi ko na mapigilan ang pag-tulo ng luha ko.
Nagulat ako nung pilit akong patayuin ni Tita at nginitian ako.
"Alam kong ginawa mo ang lahat para mabigyan ng hustisya yung nangyari sa akin at sa anak niyo ni Alice.." Sabi niya at nangilid pa ang mga luha niya. "At nagpapasalamat ako dahil dun."
Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Tito sa balikat ko.
"Hindi dapat ikaw ang humingi ng tawad dahil sa kasalanang ginawa ng mga magulang mo. Biktima ka lang din." Sabi pa nito sa akin.
Muling tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nila at gumaan din kahit papano ang pakiramdam ko. Para akong nabunutan ng tinik.
"Hindi dapat kayo ni Alice ang nag-dusa sa kung anong nakaraan ang meron kami ng mga magulang mo. Kaya patawarin niyo rin kami dahil nadamay kayo."
Matapos kong makipag-usap sa kanila ay tsaka naman lumabas si Aya sa kwarto na mukhang kakagising lang. Takang tiningnan niya naman ako at nginitian ko naman siya.
"Hello." Sabi ko at nagtago naman siya sa likod ni Andeng. Tila nahihiya pa.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero kapag tinitingnan ko si Aya, naaalala ko ang anak ko na never ko naman nakilala.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomansaA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️