Chapter 25

3.7K 35 2
                                    

Hindi ako natigil sa pag-iyak simula nung umalis si Hux dito sa ospital.

Sobrang sakit at sobrang hirap tanggapin ng sitwasyon naming dalawa pero heto ang mas makakabuti sa amin. Kahit kailan hindi puwedeng maging kami. Siguro kaya kami pinag-tagpo sa pangalawang pagkakataon ay para lang magkaroon ng maayos na closure.

Biglang bumukas ang pinto at mas naluha ako nang makita si Nanay at Tatay.

Agad silang lumapit sa akin at yumakap. Humagulgol ako sa balikat ni Nanay at tinap naman ni Tatay ang ulo ko.

"Anong nangyari sayo?" Naluluhang sabi ni Nanay.

"N-nay.." mas lumakas ang pag-iyak ko. "Nay.. Tay.. Ang sakit sakit po. Ang hirap hirap na po. Pagod na pagod na po ako.."

Humigpit ang yakap ni Nanay at pilit akong pinakalma. Naririnig ko rin ang pag-iyak niya.

Nung mahimasmasan ako ay ikinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari simula nung nagkita kami ni Hux sa school at hanggang sa araw na 'to.  Akala ko ay magagalit sila pero niyakap lang nila ako. Nakinig sila at inintindi ako. Bagay na matagal ko nang hinihiling na maranasan mula sa kanila.

Maya-maya ay pumasok si Ms. Kara. Nalaman ko mula kanila Nanay at Tatay na si Ms. Kara ang nag-contact sa kanila para sabihin na nasa ospital ako.

Lumabas na muna sila Nanay para makapag-usap kami ni Ms. Kara.

"How do you feel?"

Pinigil ko na lang ang pag-iyak ko dahil sa tanong niya. Kotang kota na kasi ako sa kakaiyak sa mga taong nangangamusta sa akin.

"Ms. Kara.. I decided to end things with Hux."

"I know.. I saw him." Sabi niya.

"Magreresign na rin po ako."

Tinap niya ako sa balikat at bumuntong hininga.

"I understand your decision, Alice. We'll transfer your final pay and Hux already paid your hospital bills."

Tumango tango ako.

"Ms. Kara.. can I ask you a favor?"

"Of course. What is it?"

"Huwag niyo po pabayaan si Hux. Sana po mas maging successful siya."

She smiled at me and nodded.

"I can't promise his continuous success since it's still up to him, pero I'll make sure na I'll look after him." Hinawakan niya ang kamay ko. "I really wish you the best Alice. Sana sa bagong simula mo, maging maayos na ang lahat para sayo. You can still call me anytime."

Umalis na kami sa ospital at sobrang bigat ng loob ko.

Heto na talaga ang huli, sa TV ko na lang ulit siya posibleng makita.

Nung makarating kami sa Pampanga ay agad akong sinalubong ni Aya. Sobrang miss na miss ko na siya at hindi ko maiwasang maiyak dahil naalala ko ang baby ko. Hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko man lang siya nakilala. Kakatanggap ko palang sa kanya pero kinuha siya agad sa akin.

"Tita, why ayu crying?" Tanong ni Aya.

"I just missed you." Niyakap ko siya ng mahigpit.

******

(A/N: The scene below was the POV of Hux from Chapter 21)

Hux's POV

"May pupuntahan lang ako, I'll be back. Matulog ka na, okay?" Sabi ko at mabilis na hinalikan siya sa noo.

"Saan ka naman pupunta?" Tila dismayadong tanong niya.

"Tumawag si Kara, pinapatawag kami ni Sir Aron, may urgent meeting daw sa agency."

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now