Last Chapter - ENDING

5.1K 98 23
                                    

Hux's POV

The last thing I remembered is that I was preparing for an interhigh competition. I firmly believe that I am Huxlee Valencia, a seventeen year old senior high student who loves to play basketball.

"I know your 'seventeen-year-old' self is smarter than you think.. so please.. find your way back to me. I miss you."

Kuya Harvey told me na this girl named Alice is my fiance and she's pregnant. Pero ni isang alaala niya or nang mga taong nakapalibot sa kanya ay hindi ko matandaan. Ang mas masakit pa sa akin, yung malamang nakakulong si Mom. Hindi ako makapaniwala kasi alam kong, my mom would never do evil things.

"Please.. please help me remember." Sabi ko dito at sumilay ang ngiti sa labi niya.

Honestly, kahit ang huling memorya ko ay nung seventeen years old pa lang ako, hindi ko maiwasang mapaisip sa lahat ng nangyari sa akin.

I don't want my memories to be just someone's memories.

Isa pa, I'm really curious about this girl. There must be something special about her dahil sabi ni Kuya, siya lang ang minahal ko for eight years.

Ni hindi ko nga naiisip or never sumagi sa isip ko na mag-girlfriend dahil mas gusto kong mag-focus sa pag-babasketball ko.

Nagulat ako nung isinabit niya ang mga braso niya sa balikat ko at napaatras ako dahil doon pero mas hinigpitan niya ang kapit niya sa leeg ko para hindi ako makaalis.

Nakatingala siyang nakatingin sa akin at ngumiti. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil sa sobrang pagkailang.

"A-ano.." Sambit ko. "Nangangalay po ang leeg ko." Hindi ko mapigilang maging magalang dahil pakiramdam ko ay mas matanda siya kahit pa aware naman na ako sa kung ano talaga ang edad ko ngayon.

Kumunot naman ang noo niya atsaka ngumuso.

Halos magulat ako sa biglang pag-tibok ng puso ko na sobrang bilis. Parang tuwang tuwa ito sa naging reaksyon niya.

'Ang cute ng pag-nguso niya!'

Inalis niya ang pagkakasukbit ng mga kamay niya sa leeg ko at tila nakaramdam ako ng pagka-dismaya. Hindi ko maintindihan kung ano 'tong pakiramdam na 'to.

"G-galit ka ba?" Wala sa hulog na tanong ko at nagulat ako nung ngumisi siya. For the second time, my heart feels like it's about to explode. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Bigla niyang idinikit ang katawan niya sa akin at mariin na hinawakan ang pisngi ko.

"A-anong gagawin mo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung sumagot siya.

"Try to remember this.." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Hindi ako makagalaw.

Hindi ako sigurado kung tama ba 'tong ginagawa namin.

First kiss ko ba 'to? Or should I say, first kiss ko ba siya?

Huminto siya at napakunot ang noo ko.

"Why did you stop?" Dismayadong tanong ko at natawa naman siya. "Bakit?" Pag-tataka ko.

"Familiar ba sayo?" Tanong niya at nakakaakit na kinagat at hinawakan niya ang labi niya.

"I don't know.." sagot ko. "Make me remember.." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.

I don't know what I'm doing right now but, this just feels so right.

Habol habol namin ang hininga namin matapos naming bumitaw sa mga labi ng isa't isa.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now