Ngayon ang first day ko as Hux's personal assistant. Ngayon din ang last day ng shooting nila sa University at pabor sa akin yun dahil paniguradong pag-chichismisan ako ng iilang nakakakilala sa akin once makita nila ako na nandoon.
Kumakain pa lang ako ng breakfast nung may unknown number na tumawag kaya sinagot ko ito. Baka isa din 'to sa inapplyan ko at baka mas mataas ang offer.
"Good morning."
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nung marinig ang boses ni Hux sa kabilang linya.
"Hello? I said, good morning."
"Good morning po, Sir."
"I'm going to pick you up near the University. Uhm, doon sa malapit sa shed."
"Hindi na po sir-"
"No. Just follow me, okay? What if makita ka ng tukmol?"
"Sinong tukmol?"
"Tita Ayeng!" Biglang lumabas si Aya sa kwarto nila ni Andeng at lumapit sa akin. Mapungay pa ang mga mata niya.
"Is that Andeng's daughter?"
Hindi ko siya nasagot dahil binuhat ko si Aya.
"Tita Ayeng, ayu going to woyk na?" [Are you going to work na?]
"Yes baby.."
"Can I talk to her?" Dun ko lang naalalang nasa kabilang linya pa pala si Hux.
Ba't niya naman gustong kausapin si Aya? Feeling close?
"Sige na po sir, pupunta na po ako sa shed in a while. Bye po." Paalam ko rito at di na siya pinag-salita pa.
"Why are you up so early, baby girl?"
"I miss you Tita." Sabi niya at yumakap sa akin.
Pinatulog ko muna si Aya at binalik sa kwarto nila ni Andeng na mahimbing pang natutulog atsaka umalis na nang bahay.
Halos limang minuto pa lang ang nakakalipas nung dumating ako sa shed ay dumating na rin sila Hux.
Agad naman akong sumakay dito.
"Good morning." Muling bati niya sa akin. Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin.
Pinangako ko na hinding hindi maiinvolve at iseset aside ko ang natitirang feelings ko kay Hux para sa trabahong 'to. Ayokong maging magulo ulit ang mga mundo namin.
Kung papaibigin niya ako gaya ng sinabi niya sa akin nung nakaraan, sisiguraduhin kong hindi siya mag-tatagumpay. Kinaya ko ngang iwanan siya noon kahit mahal na mahal ko siya ngayon pa kaya?
"Good morning din po sir." Casual na sagot ko dito at umupo.
"Sir talaga huh? You used to call me babe, diba?"
Napakagat ako sa labi at pilit ko pinakalma ang sarili ko. Ayokong maapektuhan sa mga sinasabi niya.
"Mas prefer ko po ang 'sir'..Sir Hux."
"If you say so, babe."
'Luh, parang gago?'
"Alicia or Alice na lang po, Sir."
"Mas prefer ko kasi ang 'Babe'. At baka nakakalimutan mo? Hindi pa tayo break."
"Huh?! Anong sinasabi mo diyan?" Iritang tanong ko.
"Iniwan mo lang ako di ba? Hindi ka naman nakipag-break. So it means, tayo pa."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Matik na yun, Sir."
Nakangiting umiling iling pa siya sa akin.
"Not for me." Huminto ang sasakyan at napansin kong nasa parking na kami. "Let's go.. Babe." Sabi niya at kinindatan pa ako bago bumaba.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️