Tatlong araw nang halos walang tigil ang ulan kaya bago pa ito bumuhos ng malakas ay kanya-kanya na kaming ligpit ng gamit at umuwi.
Nung makauwi ako ay agad akong nag-linis ng sarili ko at pinag-patuloy ang mga designs ko.
Dalawang araw na simula nung pumunta dito si Hux at sariwa pa din sa akin ang mga sinabi niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng disappointment sa kanya.
Nagulat na lang ako nung may kumatok sa pinto ko na labis kong ipinagtaka. Wala kasi akong ineexpect na bisita. Wala rin naman masyadong nakakaalam nang apartment ko.
Nag-aalangan na idinikit ko ang tainga ko sa pinto habang hawak hawak ang doorknob.
"Sino po yan?" Tanong ko. "Hello? Sino pong andyan?" Pag-uulit ko nang walang sumagot sa una kong tanong.
"I-It's me.."
Nanlamig ang buong katawan ko nung marinig ko ang boses ni Hux.
Agad ko namang binuksan ang pinto at nagulat ako sa itsura niya. He's soaking wet!
"Anong ginagawa mo dito?" Iritableng tanong ko sa kanya. Naiinis pa rin akong makita siya. Sa totoo lang, ayaw ko na siyang makita ulit dahil sa mga sinabi niya about sa anak ko.
"Puwede bang pumasok?"
"Hindi.. Umuwi ka na."
"Alice.." lumapit siya sa akin at naamoy ko ang alak mula sa bibig niya. Umatras naman ako at tinakpan ang ilong ko.
"Amoy alak ka." Sabi ko at nagulat ako nung bumagsak siya sa balikat ko. Mabuti na lang ay napigilan kong ma-out of balance kami.
"Ano ba, Hux?!" Inalalayan ko siya papasok at pinaupo sa monoblock. Ayoko siyang ibagsak sa kama ko dahil basang basa siya.
Ipinatong niya naman ang ulo niya sa mesa.
"Bakit ba dito ka dumeretso? Wala ka bang bahay?"
Mukhang nakatulog na siya dahil hindi na niya ako sinagot. Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan siya.
Nakakaawa ang itsura niya pero pinilit ko na maging matigas para hindi bumigay.
Tinawagan ko si Ms. Kara pero bigo ako makatanggap ng sagot mula dito. The only option I have is to call Kuya Noel or Kuya Alex. Pero wala akong number nila.
Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ni Hux kung nandoon ba yung phone niya at hindi naman ako nagkamali. Agad kong kinuha iyon at nilagay ang daliri niya sa finger print sensor ng phone niya para mabuksan..
Nung mabuksan ito ay halos buhusan ako ng malamig na tubig. Bumilis rin ang tibok ng puso ko kasabay nang pangingilid ng mga luha ko.
Yung wallpaper niya..
Kagaya ng wallpaper ko.
Yung painting ni Ate Anne, yung 'The Lost Angel.'
Was he there? Was he invited? Bakit hindi ko siya nakita? Bakit sa dami dami ng painting, ito rin ang nagustuhan niya?
Pinakalma ko ang sarili ko at pilit na inilagay sa kokote ko na coincidence lang ang lahat at nagandahan lang talaga siya sa painting.
Dinial ko ang number nila Kuya Noel at Kuya Alex para ipaalam sa kanila na nandito si Hux at agad naman nila sinabing papunta na sila.
While waiting, I refrain myself from digging through his phone kahit nacucurious ako. I also don't wanna invade his privacy.
I decided to wipe his hair with a towel. Kahit yun man lang ma-offer ko. Hindi pa naman ako ganun kasama.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️