Chapter 36

4K 44 12
                                    

Hux's POV

"Hi my knight!" Bati ni Naomi at akmang bebeso pa sa akin pag-dating nila sa resto na ni-set ni Ms. Kara as our meeting place pero agad akong umatras para hindi niya matuloy ang gusto niya. "Oww.." natatawang sabi niya sa ginawa ko.

"So.. Ms. Llana, anong plano mo sa alaga mo? She's making the situation worst." Panimula ni Ms. Kara.

Nakita ko naman ang pag-ngisi ni Naomi at hindi ko mapigilang maasar.

"I didn't see anything wrong with it.." sagot ng manager nito. "That's how she felt. She thought they had a connection tapos malalaman niya na may girlfriend 'tong si Hux?" Turo pa nito sakin.

"Excuse me? Anong connection? Eh yung fans niyo lang yung gumawa ng love team niyo." Sagot naman ni Ms. Kara.

"Indeed!" Singit naman ni Naomi. "That's the connection we're talking about.. we almost make it pero dahil sa whoever your girl is, mawawala pa yung recognition ng love team natin.. so I just did what I had to do. Ayokong bumagsak kasama mo no." Sabi niya sa akin at umirap pa.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"You're the worst." Sabi ko at tumawa siya. "No wonder, kailangan mo pang kumapit sa fame ng iba para lang ma-recognize. Sobrang irrelevant kasi ng dating mo." Pang-aasar ko sa kanya at nakita ko ang pagka-pikon sa mukha niya. "What are you without your makeup?"

Nakita ko pa ang kaunting pag-tawa ni Ms. Kara at ang asar na mukha nang dalawa.

"Whatever." Inis na sabi niya. "Bakit hindi mo na lang i-deny? Para matapos na ang lahat. We can both benefit from it. Even your girl.. she can have you off-cam and you'll have me on-cam. For our fans.."

"Alam mo, puwede naman nating gawin yun eh. I'm an Actor, sanay ako diyan. Pero after knowing your attitude, no way. I won't associate my life with someone like you.."

"Okay fine, then hayaan mo na lang ako sa ginagawa ko."

"Also no. The people are already attacking my girl tapos dinagdagan mo pa ng mga cryptic posts mo. I won't let it slide."

"Aww, so sweet. But what can you do? People are siding with me. You cheater.." sarkastiko pang sabi niya at natawa ako.

"Ah talaga? Bakit hindi mo aminin sa lahat na yung sexual assaulter mo is ex-boyfriend mo na tinwo-time mo?" Sabi ni Ms. Kara at nagulat silang dalawa. Kahit ako ay di makapaniwala sa narinig ko. "At sino naman yung kasama mo nung Saturday sa Quezon City? Sino din yung pumunta sa condo mo nung Wednesday? Sino rin yung kahalikan mo sa bar kagabi?" Hindi sila makapag-salita sa naririnig nila. "I have connections dear.." nakangiting sabi nito. "And I have the evidences to prove that everything I'm saying right now is the truth. Isang post ko lang sa social media.." tinaasan pa siya ng kilay ni Ms. Kara. "Boom! Yung mga sinasabi mong kakampi mo, baka bumaliktad."

Napangisi naman ako dahil sa itsura nila. Halatang kabado.

"Let's go, Hux?" Sabi ni Ms. Kara at tumayo. Sumunod naman ako sa kanya.

"You have connections, huh?" Sarkastikong sabi ni Naomi. "You're provoking me to take it to the next step.."

Hindi naman namin siya pinansin at umalis na sa resto.

Pagkauwi ko ng condo ay muli kong tinawagan si Alice at kinuwento ang nangyari.

"I'm sorry if I dragged you in this situation, love.." sabi ko sa kanya.

"Don't be sorry. It's bound to happen anyways. We just have to get through with it."

"If everything gets worst, I'm going to speak up, love."

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now