Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dito sa CR. Habol habol ko ang hininga ko sa hindi malamang dahilan.
Ganito ba talaga yung pakiramdam na makita ang isang taong naging importante at naging parte ng nakaraan mo? Tipong kilalang kilala ko siya pero tila ibang tao yung nakita ko kanina.
Pero siguro normal lang 'to. Limang taon na ang lumipas, malamang marami nang nagbago. Ako nga pumanget eh.
Nabalitaan kong itong University na 'to ang gagamitin nila para sa upcoming movie ni Hux.
Sa dinami-dami ng magagandang eskwelahan at lugar, bakit dito pa? Bakit ba palaging lumiliit ang mga mundo namin? Karma ko ba ito? Ipapamukha ba talaga sakin ng tadhana lahat ng naging resulta ng mga choices ko dati? Ipinapamukha ba sa akin na kahit kailan hindi ako nararapat kay Hux?
Nang mahimasmasan ako ay lumabas na ako ng CR at nag-simulang mag-trabaho. Iniiwasan kong magawi sa gym dahil may shooting sila doon. Bukod dun, napakaraming tao.
Nang matapos ako ay nag-decide ako na mag-lunch break na. Nasalubong ko naman ang mga katrabaho ko.
"Uy nauna na kami kumain ah." Sabi ni Faith. "Sisilip pa kasi kami sa shooting." Kinikilig na sabi niya.
"Nakita mo ba? Ang pogi ni Huxlee, mare." Sabi naman ni Julia.
"Ahh..oo nga eh." Pag-sang ayon ko na lang kahit naiilang akong pag-usapan ito. "O siya, kakain na ako." Sabi ko at pumasok na sa cafeteria.
Umupo ako sa pinaka-gilid. Yung hindi masyadong pinupuwestuhan ng mga estudyante. Wala rin masyadong tao ngayon, malamang ay nanonood sila ng shooting sa gym.
"Alice.."
Nagulat ako nung dumating si Sir Ash at umupo sa harapan ko.
Tumingin tingin pa ako sa paligid dahil baka pag-chismisan pa kami. Balita ko kasi ay nachichismis si Sir Ash na may pinopormahang janitress. Hindi ko alam kung sino iyon pero hindi naman sa pag-aassume, baka ako 'yun dahil madalas kaming nag-uusap o baka may mga nakakakita sa amin sa coffee shop tuwing tutor session namin.
"Hi Sir.." naiilang na bati ko na patingin tingin sa paligid.
"Why?" Takang tanong niya at tumingin din sa paligid.
"Alam mo naman sir, mahirap na. May chismis kaya sayo na may pinopormahang kang janitress."
Napangiwi at natawa naman siya dahil sa sinabi ko.
"Ikaw lang naman yung janitress na nakakausap ko dito. So malamang ikaw yung nasa chismis."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Huy hala sir.." nag-aalalang sabi ko.
"Chismis lang naman 'yon. Besides, we both know na may girlfriend na ako. Hayaan mo na lang yang mga chismis na yan."
Ngumiti at tumango ako. Sabagay, as if naman we live for them para isipin pa ang mga sasabihin nila sa amin. Hindi lang nila alam na sobrang bait lang na tao nitong si Sir Ash at willing siyang tumulong sa mga taong kulang sa pribilehiyong makapag-aral. Kasi as far as I know, hindi rin madali ang pinag-daanan niya para maabot kung ano man siya ngayon.
Tuloy tuloy ang pag-uusap namin nung biglang pumasok ang iilan sa mga staff na kasama ni Hux kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag nung mapansing hindi naman siya kasama sa mga ito pero kahit ganun ay napaka-bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko.
"Oh right, I heard may shooting dito." Sabi ni Sir Ash.
"Oo nga sir eh. Ang daming estudyante sa gym, parang mga walang klase."
"Sino nga ba yun? Huxlee? Guwapo ba yun?"
"Oo naman sir.." wala sa sariling sabi ko. Pero totoo naman kasi, napaka-guwapo ni Hux.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
Storie d'amoreA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️