Chapter 39

3.8K 51 6
                                    

Tristan Montemayor, known as Naomi's sex offender, who escaped prison, was presumed dead after his car fell into a cliff while getting chased by the police.

Niyakap ko si Hux nung mapanood namin ang balitang iyon.

Halos tatlong araw din kaming hindi makagalaw ng maayos dahil na rin sa threat na ibinigay nung taong iyon kay Hux. Hindi siya makalabas ng bahay at mas hinigpitan ang security niya. Sinisigurado niya rin na secured din ako na makarating sa trabaho at makauwi sa condo niya. Kung puwede nga lang daw ay huwag na ako pumasok pero hindi ako pumayag.

Nabalitaan namin kanina na nagising na rin si Naomi at hindi pa ito nag-bibigay ng pahayag sa mga nangyari.

"Presumed dead.." sambit ni Hux at napakagat ako ng labi nung ma-realize iyon. Muli akong kinabahan. "Hindi ako makakampante hangga't walang lumulutang na katawan." Sabi niya.

"H-Hux.. accident prone yung pinaglaglagan niya. Diba never naman talaga nahanap yung mga katawan ng taong naaaksidente sa lugar na yon?" Pampalubag loob ko na lang kahit pa kinakabahan na din ako.

"Hindi natin masasabi. We have to be extra careful, especially you.. love." Sabi pa nito at hinalikan ako sa pisngi.

"No, ikaw yung mas mag-ingat." Sabi ko at hinawakan pa ang kamay niya. "Gusto mo bang umuwi tayo sa Pampanga sa weekends?" Suggestion ko. "I think mas safe kung doon muna tayo."

Hindi niya naman maitago ang mga ngiti niya habang tumatango.

Kinabukasan, mas naging maluwag sa loob ko ang pag-pasok ko sa trabaho kumpara nung mga nakaraang araw na pakalat kalat yung kriminal na si Tristan.

Pag-sakay ko sa elevator ay nagulat ako sa kasabay kong pumasok.

"Hi.." bati ko sa kanya at tipid na nginitian niya ako. "Kamusta?"

"Okay naman." Sagot ni Luke. "Coffee?" Tanong niya at pinindot ang floor kung nasaan ang pantry.

"Sure." Sang-ayon ko dahil gusto ko rin siyang makausap. Gusto ko rin siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya.

Nung makarating kami ng pantry ay nagkaroon ng kaunting bulung-bulungan mula sa taong mga nandoon. Sa isang buwan na naging laman ako ng balita ay tila nasanay na ako sa mga tingin ng tao.

"I'll make your coffee." Sabi niya at nginitian ko siya.

Nung nasa London kami, alam na alam niya yung lasa ng kape na gusto ko. Alam na alam niya kung ano ang ipapainom sa akin.

Pinindot niya ang coffee maker at hinintay ko siya matapos.

Umupo naman siya sa harap ko at inabot ang ginawang kape sa akin.

"So how's everything?" Tanong niya.

"Hopefully, maging okay na ang lahat. Sobrang daming nangyari lately." Tumango tango naman siya sa kuwento ko. "Ikaw ba? Kamusta ka?"

"Maayos naman." Sabi niya at humigop ng kape.

"Kasi the last time we talk.."

"Let's not talk about that, please?" Seryosong sabi niya at medyo napahiya ako. "I'm still processing everything but, don't worry.. I'm getting better."

Nginitian ko siya.

"Hindi pa ako nakapagpasalamat. It wasn't your obligation to speak up pero you still did. Thank you."

"That would be my last act of service.." seryosong sabi niya. "Stay happy. Promise me." Sabi niya at inangat ang kamay niya para mag-pinky promise.

"Promise." Sabi ko at pinaikot ang hinliliit ko sa hinliliit niya at idinikit ang thumb ko sa thumb niya. "Ikaw din Luke."

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now