Chapter 29

3.4K 35 4
                                    

"Alice!"

Agad akong napalingon sa tumawag sa akin at lumapad ang ngiti ko nung makita si Ms. Kara na papalapit sa akin.

"Ms. Kara!" Tuwang tuwa na sabi ko at yumakap sa kanya.

"I didn't expect to see you here." Sabi nito at bumitaw ako. "Grabe, you look so gorgeous!" Sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Syempre, gorgeous parang ikaw." Sabi ko pa.

"Ay nako, marunong ka nang mam-bola ngayon ah." Sabi niya at natawa naman ako. "Grabe I was stunned when I saw you walking, akala ko model ka na talaga. Kelan ka pa nakauwi?"

"Four months ago pa po."

Ngumiti naman siya.

"Grabe, I'm really happy for you." Sinserong sabi niya at ngumiti ako.

"Thank you Ms. Kara. Isa ka rin po sa mga taong nag-lead sa path na 'to."

"So have you seen, Hux?"

"Yes po. I actually saw him last teen celebrity ball. I was there."

"Really? I wasn't able to attend since I had to deal with something at home. Did you talk?"

Umiling iling naman ako.

"Hindi niya ako nakita nung teen ball, ngayon lang. Nagkasalubong kami kanina pero nilagpasan niya lang ako." Kuwento ko.

Bumuntong hininga naman siya at tinap ang balikat ko.

"How about you, are you okay? I mean, okay lang sayo na nakikita mo siya?

"Yes naman po. Past is past. Wala na po sakin yun. Part of my job na rin po siguro na ma-encounter ko siya paminsan minsan."

Alas tres ng hapon nung mag-patuloy ang event. Irarampa ang collection ng isang sikat na fashion designer galing sa Thailand.

Katabi ko sa upuan sila Ms. Emma, sir Kev at Rian. Pasulyap sulyap naman ako sa table ng mga judge para pagmasdan si Hux na seryoso lang na nanonood.

Halos isang oras kaming magkausap ni Ms. Kara kanina. Sabi niya ang laki daw ng pinagbago ni Hux. Mas gumaling daw ito at mas naging professional sa pag-arte. Aware naman ako dun dahil nasusubaybayan ko lahat ng palabas niya. Sabi din ni Ms. Kara na mas naging seryoso ito at naging tahimik. Siguro epekto ito sa kanya ng mga nangyari at hindi ko maiwasang masaktan. Hindi lang kami ng anak niya ang nawala sa kanya, pati na rin ang mga magulang niya. Puro painful memories ang naiwan sa kanya.

Nangilid ang luha ko kaya agad kong binaling ang atensyon ko sa panonood.

Gabi na nung matapos ang kabuuan ng event and so far, marami naman akong natutunan at napagkuhaan ng mga ideas or inspiration para sa mga next designs ko.

"Uuwi ka na?" Tanong ko kay Rian nung pag-pasok ko ay nakita ko siyang nagliligpit ng gamit. Ang balak kasi ay mag-oovernight kami dito sa resort since wala namang pasok bukas.

"Nako girl, long story pero andyan na kasi yung boyfriend ko, sinusundo ako. Kuwento ko na lang sayo sa lunes."

"Si Sir Kev ba?"

"Ewan, siguro nanlalalaki na sa paligid." Sagot ni Rian at natawa naman ako.

"Ingat kayo ng jowa mo." Sabi ko at humiga na lang sa kama.

Maya-maya lang ay umalis na si Rian at hindi ko naman namalayang nakatulog na ako.

Nung magising ako ay nakaramdam ako ng gutom. Tsaka ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain. Nung tingnan ko ang oras ay alas nuebe na pala.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now