Chapter 7

4.8K 30 3
                                    

"Tita Ayeng!"

Sinalubong ko ang pamangkin ko na tumatakbo papalapit sa akin nung maka-pasok ako ng bahay.

"Hi bebe girl! Kamusta naman ang baby bamin ha?" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Good girl po.." humahagikhik na sagot niya at yumakap sa leeg ko. "Aya is a good girl.." patungkol niya sa sarili niya.

"Halika muna Aya, pag-pahingahin mo muna si Tita." Sabi ni Andeng at kinuha sa akin si Aya. Pinisil ko pa muna ang pisngi nito.

"Dahil good girl ang baby namin, may lollipop yan." Binigay ko sa kanya ang paboritong lollipop at tuwang tuwa naman siyang kinuha ito. "Make sure na mag-toothbrush later ha?"

"Opo!"

Inilapag siya ni Andeng sa sofa at naging busy siya sa pag-alis ng balot ng lollipop.

"Andeng oh.."

Inabot ko sa kanya ang pera na halagang dalawang libo.

"Hindi naman ako nanghihingi ah." Sabi naman nito. "Kaka-sahod ko lang din sa pagtututor ko ate."

Umiling iling ako at pinilit na i-abot sa kanya ito.

"Diba sabi ko ipambili mo na lang ng mga kailangan ni Aya yung kinikita mo sa pag-tututor."

Second year college na si Andeng at ako ang nagbabayad ng tuition fee niya. Apat na taon na rin si Aya, next year ay mag-aaral na ito kaya kailangan kong mag-doble kayod pa.

"Salamat ate." Nahihiyang sabi nito.

Nung lumipat kami dito sa Pampanga, nakitira kami sa kamag-anak namin pero dalawang taon na rin nung umalis kami Doon dahil hindi rin naging maayos ang trato nila sa amin. Kaya mas naging mabigat ang mga gastusin dahil ngayon ay nangungupahan na lang kami.

Nilapitan ko si Nanay na busyng busy nanaman sa pag-hahanda ng hapunan.

"Nay.." inabot ko sa kanya ang apat na libo na tira sa sahod ko ngayong cut-off.

Sa isang buwan, sumasahod ako ng 14k sa pag-jajanitress sa eskwelahan na malapit lang sa amin. Walking distance kaya hindi ko na iniisip pa ang pamasahe dahil pwedeng pwede ko lakarin. Hindi sapat iyon dahil bukod sa bayad sa bahay, kuryente, at tubig ay may mga gamot pa si Tatay na kailangan niya i-take. Kaya sa gabi ay nag-papart time online english teacher ako sa mga foreign students. Si Nanay naman ang gumagastos sa pagkain namin araw-araw mula sa pag-lalabandera niya. Si Andeng naman, nag-tututor sa mga bata para may pang-gastos kay Aya. Kahit papano ay nairaraos naman namin ang araw-araw.

"Salamat, nak.." sagot niya.

Tsaka naman ako pumasok sa kwarto nila ni Tatay.

"Hi Tay.." bati ko dito.

Naabutan ko siyang nanonood sa phone niya ng boxing.

Okay na si Tatay. Bagama't hindi na bumalik sa dati ang katawan niya, nagpapasalamat pa rin kami na kahit papano ay nakakaladkad na siya. Hindi nga lang niya magalaw ang isang kamay niya at ika-ika na rin siya mag-lakad. Nginitian niya ako at nag-mano naman ako.

"Boxing pa din?" Biro ko sa kanya.

"Mga taga ibang bansa 'to. Bagong laban." Sabi niya.

"Tita Ayeng! Lolo!"

Dumating si Aya na hawak hawak ang lollipop niya.

"Lolo..say ahh.." Sabi ni Aya at pilit sinubuan si Tatay ng lollipop.

"Aya. Lolo doesn't eat lollipop." Suway ko dito at ngumuso siya.

"Why Lolo?" Dismayadong tanong nito.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now