'Thalia Rose Suarez' Isang sikat na aktress. Kilala ito ng karamihan dahil bata palang ito ay nakikita na siya sa TV at bukod dun ay napaka-husay niyang umarte.
Siya ang ka-partner ni Hux sa movie na 'to. Ngayon ko nga lang nalaman na isang taon na ang love team nila.
Mala-diyosa ang itsura niya, bagay na bagay sa guwapong si Hux.
Pinapanood ko ang pag-arte nila mula dito sa labas at gilid ng tent, parehas silang magaling at di ko mapigilang mamangha. Ngayon ko lang napanood umarte si Hux dahil sa matagal na panahong iniwasan kong makabalita ng kung ano mang related sa kanya.
Enemies to lovers pa nga ang tema ng romantic comedy movie na ginagawa nila.
Nung matapos sila sa shooting ay dumeretso si Thalia sa sariling tent at ganun din naman si Hux na papunta na sa gawi ko. Kasunod niya naman si Ms. Kara at yung make-up artist at isa pang staff. Agad naman akong lumapit kay Ms. Kara para mag-paalam.
"Ms. Kara, nakapagligpit na po ako sa tent.. mag-oout na po sana ako."
"Sure, no problem-"
"No, I need her. Magpa-pack up pa tayo." Sabi ni Hux at di ko mapigilang mainis.
Kung di lang ako nahihiya sa mga staff dito, tumakas na lang sana ako kanina pa. May tutorial kami ni Sir Ash ngayon at mamayang 10pm ay may work ako ulit as an online English teacher.
"Huh? You have assistants to pack up your things. Go na Alice.." Sabi ni Ms. Kara at nginitian ko siya.
"Sabing dito lang muna siya eh." Kunot noong sabi ni Hux.
"Wait.." Sabi ni Ms. Kara sa akin at parang bata na hinila niya si Hux papasok ng tent.
Maya-maya lang ay lumabas na si Ms. Kara at lumapit sa akin.
"I'm sorry Alice, para talaga akong may alagang five years old eh. Anyways, you can-"
"Alice!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Sir Ash na andun sa labas ng set. May harang kasi kaya di siya makapasok "Let's go?"
Ito namang si Sir Ash, hindi na lang tumawag o mag-text, kailangan pa talagang sumigaw? Expose na expose tuloy yung pangalan ko sa mga tao. Kaya kami nachichismis eh.
"Oww, boyfriend mo?" Tanong ni Ms. Kara.
"Sir Hux! Wait!" Dinig kong sigaw ng isang staff na kasama niya sa loob ng tent.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng mga tilian ng mga estudyanteng nasa set dahil lumabas si Hux nang naka-topless.
'Anong ineeksena nito? Infairness, kumpara noon mas gumanda talaga ang katawan- erase!'
"You can go now Alice.." Sabi ni Ms. Kara at tumango naman ako.
"Thank you po-"
"Ang daming kalat dito." Sabi ni Hux.
"Hux we already talked about this, ano bang problema mo? Pumasok ka na nga dun bago pa mabaliw yung mga tao dito." Sabi ni Ms. Kara at tinulak siya papasok sa loob.
"Bye po!" Sabi ko at mabilis na tumakbo papunta kay Sir Ash.
*******
Hux's POV
"What was that Hux?" Tanong ng manager ko sa akin. Kaming dalawa na lang yung nandito sa tent. "Hindi ka naman ganito noon. Pati yung janitress pinag-iinitan mo."
Kunot noo at padabog akong umupo sa upuan.
What's with her and that damn professor? Madaling-madali pa siyang makaalis para sa taong yun kaysa makasama ako dito. Tang ina.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️