Chapter 16

4.3K 34 0
                                    

Nung makauwi kami sa condo ay hinayaan ko na lang si Hux na ibagsak ang sarili niya sa kama.  Feeling ko kasi anytime ay mag-susuka nanaman siya. Ayoko nang mag-linis pa dahil kailangan ko pang umattend sa part time job ko mamayang 11pm. Nakakapagod kaya.

Mapungay ang mga matang tumingin siya sa akin.

"Sorry.." sambit niya at tiningnan ko siya nang nag-tataka.

"Huh?"

"Sorry if I can't fuck you tonight.. Ouch!"

Hinagis ko sa mukha niya ang unan at bagsak ang talukap ng matang tiningan niya ako.

"You're always hurting me." reklamo niya.

"Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig mo." Sagot ko naman.

"Nanghihina na ko.. gago si Direk. Pinainom ako!" Pag-dadabog niya sa kama at napapangiting tiningnan ko siya. Muli siyang tumingin sa akin at nagulat ako nung hilahin niya ako pahiga. "Let's sleep.."

"Maliligo pa ko, ano ba."

"Five minutes, please.." Sabi niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

Hindi pa natapos yung five minutes na hiningi niya ay napansin kong nakatulog na siya kaya dahan-dahan akong umalis sa tabi niya.

Tinitigan ko siya at kinumutan. Hinaplos ko ang buhok niya. Sobrang amo ng mukha ni Hux lalo na pag tulog siya. Ang hirap ipaliwanag ng kagwapuhan niya pero mukha siyang anghel.

Hindi ko pa rin tuloy maintindihan kung bakit ako minahal nito at kung bakit hanggang ngayon ay tila mahalaga pa rin  ako sa kanya.

For five years, hindi man lang ba siya nag-mahal ng iba? Ang daming pagkakataon, at ang dami ding magagandang babae sa paligid niya.

Sa pinapakita niya sakin ngayon ay parang nakalimutan niya na yung sakit na naranasan niya nung iniwan ko siya.

Sabagay, madalas ko rin malimutan na hindi kami puwede tuwing kasama ko siya.

Nangilid tuloy ang mga luha sa mata ko.

Kung sana naging pabor lang sa amin yung panahon, oras at tadhana, hindi sana kami nasaktan parehas. Lalong lalo na siya.

*******

Hux's POV

Nagising ako na masakit ang ulo. Napansin kong suot ko pa rin kung anong suot ko kagabi. Hindi na pala ako nakaligo sa sobrang kalasingan. Pipikit pa sana ako ulit nung mapabalikwas ako sa kama dahil naalala kong kasama ko si Alice. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko naman siyang mahimbing na natutulog sa couch.

I kissed her forehead and pinched her nose. Hindi pa rin siya nagising. Sobrang lalim ng tulog niya. Napansin kong may nakapatong na laptop sa mesa kaya pakiramdam ko ay nag-trabaho pa siya kagabi.

Then I remember what she said to Direk last night. Na-stroke daw ang Tatay niya. I wonder how their lives went after mangyari kay Tito yun because he was the provider of their family. Siguro kaya nag-trabaho na lang si Alice ay dahil dun.

Despite the way she broke my heart, hindi ko pa rin mapigilang maawa sa kanya. The Alice from five years ago was really different from the Alice I have right now.

Mas mataas ang self-esteem niya before, palaban, hindi rin siya mabilis sumuko, palangiti, cheerful, at marami rin siyang pangarap. Pero ngayon, ibang iba na.

"Sana di mo ako iniwan noon, para nasamahan kita sa mga pinagdaanan mo. Para sana hindi mo sinukuan ang mga pangarap mo."

Inayos ko pa ang mga buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now