Chapter 9

4.5K 29 0
                                    

Huxlee's POV

Alicia left and had been gone for almost five years. Even her friends didn't know her whereabouts.

I felt really devastated, depressed, broken, and stressed out. It was the first time I felt that kind of pain.

I asked my mom to help me find her, but she refused as she believed that Alice left me because she doesn't love me anymore or never loved me in the first place.

Sino ba namang taong sasabihin mahal na mahal niya ako pero bigla na lang akong iiwan? It could be easier for me to accept everything if she just gave me proper closure. Pero hindi eh, parang bula siyang nag-laho.

I went to college still thinking of her, ang hirap hirap mag move on. Araw-araw ko pa din siyang iniisip. I always wanted to see her..again.

The pain and my longing to see her turned into anger.

I hated her for hurting me, for leaving me, and for the way she loved and cared for me. Kasi hindi ko iyon malimutan. Hindi ko maalis iyon sa sistema ko.

Ganun na lang ba kadali para sa kanya na itapon ako? All I did was to love her genuinely. Siya lang at wala nang iba.

I was playing basketball with my college team when all of a sudden a woman came into me and asked me if I was interested to be an actor. I declined at first pero naisip ko ang napag-usapan namin ni Alice before. Sabi niya I could be an actor. Inasar ko pa nga siya if she'll allow me to have kissing scenes at agad agad siyang nainis at sinabing gegerahin niya lahat ng babaeng lalapit sakin kapag nangyari yun. Wag na daw ako mag-artista.

I became an actor because of Alice, gusto kong maalala niya ako. Gusto kong magsisi siyang iniwan niya ako. Gusto ko na makita niyang I'm doing well without her. Pero sa totoo lang, gusto kong dumating siya at gerahin ang mga babaeng lalapit sa akin gaya ng sinabi niya noon. But it didn't happen. Ano pa nga bang aasahan ko?

"Huxlee ang pogi mo!" Umaalingawngaw na sigaw ng isang estudyanteng babae sa gilid ng gym kaya nilingon ko ito para sana ngitian dahil nakakatawa ang boses nito. Tila nag-hahamon ng away.

Pero imbis na yung estudyante ang kumuha ng atensyon ko, napatingin ako sa babaeng katabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

It was her, right?

Hindi ako pwedeng magkamali, si Alicia iyon.

Parang nanghihina ang tuhod ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Nakita kong tumalikod siya, tila nag-papanic. Mas nakumpirma kong siya iyon dahil sa ikinilos niya.

Nilapitan ko siya at napakasakit sa akin na makitang tila pumayat siya at lubog na lubog ang mata. Parang pagod na pagod. Kumakain pa ba 'to? Nakakatulog pa ba 'to?

Pilit kong inalis ang pag-aalala ko. Hindi dapat dahil galit ako sa kanya, remember?

"Wait.."

Tinapon ko ang bubble gum ko sa trash bag na hawak niya at nag-tama ang mga tingin namin.

It felt nostalgic. Her pretty eyes, red lips and rosy cheeks are still visible. She's still pretty. She's still the Alicia that I loved.

Pinakalma ko ang sarili ko. Ayokong malinlang nang nararamdaman ko. Ayokong bumalik pa. Ayokong papasukin na siya sa buhay ko. I've been through a lot because of her. Ayoko na maramdaman yung sakit na dinulot niya sa akin.

Naglakad na ako palayo sa kanya at nung makapunta ako sa harap ng gym muli ko siyang tiningnan na nag-lalakad palabas, dala dala ang trash bag.

I wonder what happened to her.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now