Chapter 6

5.6K 36 0
                                    

Kinabukasan ay hindi ako pumasok. Nung magising ako ay mukhang wala na si Tatay at Andeng sa bahay. Si Nanay na lang ang naabutan ko. Nag-pupunas sya sa lababo. Namamaga ang mga mata niya, tanda na grabe ang binuhos niyang luha dahil sa ka-gaga-han ko.

"Nay.." hinawakan ko siya sa balikat at nilingon niya naman ako. Hindi siya nag-salita at tinitigan ako. "Nay..sorry.."

"Pinilit ka ba niya?"

"Po?"

"Pinilit ka ba ni Hux para gawin niyo ang bagay na 'yun?" Seryosong tanong ni Nanay.

"H-hindi po, Nay.. G-ginusto ko rin po yung mga nangyari samin.. sorry Nay if na-disappoint ko kayo.."

Kita ko ang pangingilid ng luha niya.

"Siguro nga, iba na ang panahon ngayon. O siguro hindi sapat yung pag-gabay namin ng Tatay mo sa iyo.."

"Nay.. hindi po sa ganun. Ako po ang may kasalanan. Choice ko din po 'yun. Hindi po ako pinilit ni Hux, sa totoo lang po Nay.. pinigilan niya po. Nirespeto niya po ako.. ako po.. ako yung may problema Nay.." umiiyak nanaman ako. "Ako yung nauna, ako yung nagbigay ng permission.."

Kitang kita ko ang sobrang pagka-dismaya ni Nanay sa itsura niya.

"Nay.. wala po kayong pagkukulang.." Sabi ko at pinunasan yung mga luhang tumutulo sa mata niya.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nak.. gusto kong magalit sayo. Gusto kong bulyawan ka..gusto kong saktan ka nang madala ka..hindi lang dahil sa ginawa mo..pero bakit sa dami ng tao, si Hux pa talaga yung nagustuhan mo? Bakit ikaw pa yung nagustuhan niya?"

Muling nabalot ng pag-tataka yung utak ko.

"Anong ibig mong sabihin Nay?

"Mag-almusal ka na.." parang iniiwasan niyang sagutin ang tanong ko. "Hindi ka ba papasok?"

Umiling iling ako.

"Sumasakit po ang ulo ko, wala naman po kaming masyadong gagawin ngayon."

Buong araw ay pinilit kong mag-focus sa pag-aaral para sa scholarship exam ko sa sabado, dalawang araw na lang Mula ngayon. Pero kahit anong gawin ko ay patuloy na pumapasok sa isipan ko lahat ng mga nangyari kagabi at si Hux, na malamang ay nagtataka na kung ano ang nangyari sa akin.

Alas tres nang hapon nung umuwi si Andeng.

"Ate, minessage ako ni Kuya Hux. Gusto ka sana niya makausap once na makauwi daw ako."

"Sinabi mo ba sa kanya yung nangyari kagabi?"

"Hindi, Ate. Wag ka mag-alala, di ako makikialam kaya di rin ako magsasabi kay Kuya Hux." Sabi niya at inabot sa akin ang phone niya. Kinuha ko naman iyon at tinawagan si Hux.

Isang ring palang ay sinagot niya na ito.

"Babe..kamusta? Masama daw pakiramdam mo?"

Halos maluha nanaman ako nung marinig ang boses niya.

Gusto ng mommy niya na iwanan ko ang anak niya, gusto rin ng magulang ko na mag-break kami. Pero parang hindi ko kaya.. Hindi ko kayang walang Huxlee sa buhay ko.

Pilit ko inayos ang boses ko bago sumagot.

"Hmm, oo eh."

"Gusto mo samahan kitang magpa-check up?"

"Sakit lang naman ng ulo 'to. Medyo umokay naman na. Bukas papasok ako. Kamusta ka dyan?"

"Malungkot. Sobrang namimiss kita..nag-woworry din ako sayo, syempre."

Kung nakikita ko lang siya ngayon, sigurado akong nakanguso nanaman siya dahil sa pag-aalala.

"Sorry babe ha, marami lang akong aayusin. Alam mo naman, exam ko na rin sa sabado, kailangan ko mag-focus. Okay lang naman ma-miss mo ako diba?"

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now