People are getting hype with the Hux-Naomi ship. Fans are demanding them to have some actual interactions. While I am here, feeling uneasy.
I know I should be happy for him pero masakit pala isipin na parang nakalimutan niya na yung anak namin. Ayoko siyang mag-luksa taon-taon pero I want him to remember that he once had a child. Hindi man niya ito nakilala o hindi man ito nabuo, anak niya pa rin iyon. I may sound selfish pero sana kahit iyon lang ay hindi niya malimutan because I don't want our child to be forgotten.
Naomi posted a story on her Instagram. A picture of bouquet of roses with a heart emoji caption. She didn't mention where she got those flowers but the fans are assuming that Hux gave it to her.
"Seems like she's enjoying the attention from people, huh? This clout chaser bitch." Sabi ni Sir Kev. "Hay nako! If she just knew na ikaw yung niligtas ni Hux baka masupalpal siya ng kahihiyan but, I also doubt that. Hindi tatablan ng kahihiyan tong bruhang 'to! My gosh!" Iritang irita na sabi ni Sir Kev. Mainit ang dugo niya kay Naomi dahil naging client niya ito pero na-disappoint daw ito sa ugali ng babae dahil after magawa ni Sir Kev ang gown na pinagawa nito ay bigla siyang lumipat sa ibang designer. Na-settle naman ang issue na yon pero irita pa rin siya.
Nag-focus na lang ako sa pag-tatrababo like I usually do. I convinced myself that I shouldn't be affected with what's happening between Hux and Naomi. Kung ano mang meron sa kanila, totoo man o hindi, labas na ako dun.
I went home earlier than usual dahil ininvite ako ni Ate Anne sa itinayo niyang art gallery. Isa siya sa ka-dorm mate ko sa London before. Nag-wowork din siya under LEM as a makeup artist pero currently gumagawa din siya ng paintings and most of her artworks ay talagang sumikat at maraming malalaking tao ang bumibili sa kanya.
Nung makarating ako ay namangha ako dahil sobrang ganda ng mga drawings niya. Nakikita ko na ang mga gawa niya noon sa dorm pero iba talaga pa rin pala kapag nakikita mo na nasa art gallery na ang mga ito at maraming mga tao ang tumatangkilik.
"Ate Anne.." tawag ko sa kanya at bumeso. "Grabe, big time mo na." Sabi ko at halos maluha kaya nangilid din ang mga luha niya.
"I made it, Alice." Masayang sabi niya.
"Sabi ko naman sayo eh."
Noon kasi, sinukuan niya na ang pag-ppaint at nag-settle na lang sa pagiging makeup artist. Pero pinush namin siya ni Gem dahil ibang level ang galing nito. And here she is, natupad niya ang pangarap niya.
Hinayaan ko muna siya i-entertain ang iba niyang guests especially yung mga interested na bumili ng paintings niya.
Hanggang sa napukaw ng atensyon ko ang isang painting na may title na 'Lost angel'.
Painting iyon ng isang sanggol na nakapikit ang mga mata pero napakaganda ng mga ngiti.
Hindi ko alam pero parang ang lapit ng puso ko sa painting na 'yon.
"You like it?" Tanong ni Ate Anne na nandito na ngayon sa tabi ko. Tiningnan ko naman siya at nginitian.
"Sobrang ganda."
"Isa sa kliyente ko ang nag-bigay ng idea na yan."
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.
"I have this client na nag-pagawa ng painting ng anak niya. He must really love and adore his child. He's also the reason why I started to paint again."
Ngumiti ako. Siguro if nabuhay ang anak ko ganyang ganyan din ang mga ngiti niya.
"Sinong kliyente?" Curious na tanong ko.
"Confidential." Nakangiting sabi ni Ate Anne at naintindihan ko naman.
"Can I take a picture of this painting?" Tanong ko kay Ate Anne at tumango naman siya.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️