LEM Entertainment denies dating rumors between Luke Mariano and the unknown women in the photos circulating online.
Naka-hinga ako ng maluwag nung mabasa ko ang article. Mabuti na lang at dineny agad ito ng agency ni Luke sa mismong araw din na kumalat yung pictures namin.
Nandito na kami ni Hux sa isang private beach resort sa Mactan Cebu at nakapag-check in na rin. Kasama ko sila Amy at Nicole sa kwarto.
"Buti dineny nila agad, no? Malala pa naman tong mga fans ni Luke." Sabi ni Amy.
"Nako girl, kung nakita yung mukha mo dun, yari ka sa mga impaktang fans nun." Dugtong naman ni Nicole.
Aware lahat ng umattend ng dinner kahapon na ako yung babaeng nandoon sa picture. Hindi naman na daw bago sa kanila na nagiging touchy si Luke kapag naka-inom kaya hindi na rin sila nagulat. Minalas lang ako kasi ako yung natyempuhan sa litrato.
"Ewan ko ba, kung minamalas nga naman." Naka-ngusong sabi ko.
"Girl, anong malas dun? Waiting na nga lang akong mabastos ni Luke eh. Kung puwede lang bumukaka sa harap niya eh." Sabi ni Nicole.
"Gaga!" Natatawang sabi ni Amy at napangiwi naman ako. "Kahit kailan talaga puro ka kalandian."
"Crush mo si Luke? Di ka ba natatakot sa kanya?" Tanong ko dito.
"Nakakatakot siya magalit, yes. Pero kung lalandiin niya ako, why not diba?"
Natawa na lang kami ni Amy dahil sa mga pinagsasabi ni Nicole.
"Ikaw Alice, sa ganda mong yan, pwede mo pang malandi si Sir Hux eh." Sabi ni Amy.
"Oo nga! Tsaka close naman kayo diba?"
Naiilang na tumawa lang ako dahil sa sinabi nila.
Speaking of Hux, hindi niya ako masyadong kinakausap unless work related. Siguro masama pa rin ang loob niya dahil sa nangyari.
"Uy, nag-text na si Laurence, ready na daw ang buffet!" Excited na sabi ni Nicole. "Tara na girls, baba na tayo!"
"Let's go! Kanina pa ako nagugutom." Sabi ni Amy.
Pag-baba namin sa second floor kung saan kami kakain ay agad na nahagip ng mga mata ko si Hux na kasama si Ms. Kara at Thalia na kumukuha ng pagkain. Hindi niya naman ako sinulyapan ng tingin.
"Hi non-showbiz girlfriend!" Bati sa akin ni Thalia. Napakagat naman ako ng labi dahil sa sinabi niya pero pilit pa din akong nginitian siya. "Girls, get your food na." Sabi niya pa sa aming tatlo.
"Yes ma'am! Lalafang kami ng bongga for today's video!" Sabi ni Nicole at natawa naman sa kanya si Thalia.
Pasimple namang lumapit sa akin si Ms. Kara.
"Hey, sira ang mood ng bata ko ah. Dahil ba sa article?" Bulong niya sa akin.
"Siguro po."
"So L.Q. kayo?" Tanong niya at sinabayan akong kumuha ng pasta.
"Hindi naman po kami para tawaging L.Q."
"Curious lang ako Alice, I really feel that you still like him.. Bakit parang may pumipigil sayo?"
Seryosong tiningnan ko si Ms. Kara.
"Mukhang mahirap po pag dito natin pinag-usapan." Sabi ko at tumango siya.
"I'll get us a table. Sumunod ka na lang after you're done getting your food."
"Sige po."
After ko kunin lahat ng gusto kong kainin ay hinanap ko si Ms. Kara at nakita ko siya sa table na malapit sa corner. Malayong malayo sa mga kasamahan namin.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️