Chapter 19

4.4K 31 9
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko at ang natutulog na mukha ni Hux ang bumungad sa akin kaya napabalikwas ako at bumangon. Dun ko na-realize na hubo't hubad ako. Tinapik pa ako ng kaunting sakit ng ulo. Huling naalala ko ay uminom ako ng wine at.. wait, nalasing ba ako? Kasi kung oo, first time ko 'yun at anu-ano naman kaya ang mga ginawa ko? May nakakahiya kaya akong nagawa? Sinabunutan ko pa ang sarili ko para may maalala.

Kaya ba hubo't hubad ako ngayon dahil nakipag-sex nanaman ako sa kanya?

'Ang tanga tanga mo talaga Alice!"

Gumalaw si Hux at mapungay ang mga matang tiningnan niya pa ako.

"Good morning." Husky ang boses na bati pa nito sa akin.

Hindi ko siya pinansin dahil pilit ko pa ring inaalala ang kagabi.

"Any problems?" Tanong nito sa akin at yumakap pa sa akin habang nakaupo ako at siya ay nakahiga pa rin. Ang mga braso niya ay nakahawak sa mga hita ko at ang ulo niya ay naka-sandal sa tiyan ko.

"Hux, wala akong maalala sa nangyari kagabi. Nalasing ba ako?"

Nginitian niya ako na may halong panunukso.

"Gusto mo talagang maalala?" Tanong niya at tumango ako. "Don't worry, ganyan talaga sa umaga. Maya-maya lang mag-sisink in na sa utak mo lahat ng ginawa mo, lalong-lalo na yung mga ginawa mo sa akin." Nakangising sabi niya.

"G-gago! Pinag-titripan mo nanaman ako ah."

"Uy no joke. Sayang naman di mo maalala, ang galing mo pa naman."

Napatakip ako ng mukha sa kahihiyan dahil sa sinabi at tumawa naman siya.

"Pupunta na ako sa kwarto namin nila Amy at Nicole." Paalam ko pa kay Hux.

Ngumuso naman siya.

"What are your plans pag-uwi natin ng Manila?"

"Siguro uuwi muna ako sa Pampanga. Sa Tuesday pa naman iyong next sched mo." Sabi ko sa kanya. Ngayon ay sabado kaya gusto ko sana i-grab yung chance na makauwi para makasama ang pamilya ko. Miss ko na sila eh, lalong lalo na si Aya.

"I'm gonna miss you. Can I come with you?" Parang batang tanong niya sa akin at mas isiniksik pa niya ang sarili niya sa akin.

"Hindi pwede."

"Please?"

"Ang kulit."

"Pano kung bigla ka nanaman mawala?" Seryosong sabi niya at tila may humaplos sa puso ko.

"Alam mo naman na kung saan ako hahanapin, isa pa, hindi ko bibitawan 'tong trabahong 'to. Kaya huwag ka mag-alala." Sabi ko sa kanya at tumango tango siya.

9 AM nung makarating kami sa Manila at nag-pababa na lang ako sa sakayan ng bus. Kinulit pa nga ako ni Hux na ihahatid niya ako pero hindi na ako pumayag pa kahit naka-ilang pangungulit siya sa akin.

Halos tatlong oras ang naging byahe ko bago ako makarating sa amin.

"Tita Ayeng!" Salubong sa akin ni Aya.

"Baby! How are you?" Sabi ko at kiniss ang matambok niyang pisngi. Humagikhik naman ito. Napaka-cute!

"I'm fine." Sagot nito.

Nag-mano naman ako kila Nanay at Tatay.

"Grabe Nak, ilang araw ka lang nawala pero gumanda ang katawan mo ah. Masarap ba mga pagkain don?" Tanong ni Nanay.

"Nako Nay, busog ako lagi don."

"Mabuti na rin yan Nak, kaysa nung nandoon ka nagtatrabaho sa school, bagsak na bagsak katawan mo nun eh." Dugtong pa ni Tatay at ngumiti naman ako.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now