Chapter 22

4K 28 3
                                    

"Hi Tita Helen!"

Masiglang bati ni Thalia na kasama ni Hux sa commercial shoot. Bumeso pa ito kay Tita Helen at ako naman ay tila na-estatwa dito sa gilid. Hindi ko alam ang gagawin ko pero pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Bumabalik rin sa isipan ko lahat ng sinabi at ginawa niya sa akin noon.

Naramdaman ko na lang na may humila sa akin palayo sa set bago pa ako tuluyang madapuan ng tingin ni Tita Helen.

"M-Ms. Kara.." sambit ko nung mapansin na nasa labas na kami ng set.

"Just take a rest for today, ako na ang bahala mag-explain kay Hux."

"Ms. Kara.." mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya. "Thank you po."

Nginitian niya naman ako.

"I know what you've been through and baka mag-kagulo din kapag nakita ka niya."

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nag-lakad ako palayo.

*******
Hux's POV

"Mom?" Takang tanong ko nung binisita niya ako ngayon dito sa set. "You didn't inform me that you're coming." Sabi ko at bumeso pa dito.

"Aalis din ako agad. May meeting lang ako malapit dito kaya dumaan na din ako." Nakangiting sabi niya. "Anyways, you and Thalia really look good together. Sana naman mag-girlfriend ka na ulit anak."

"I told you Mom, we're just friends. Soon, ipapakilala ko sayo kapag meron na." Sabi ko sa kanya at agad na pumasok sa isip ko si Alice.

I'm not sure if kami na ba ulit ni Alice, I forgot to confirm it to her pero alam kong mahal niya na rin ako. Our feelings are mutual. Kapag sigurado na ako sa kung ano kami tsaka ko na ulit siya ipapakilala kay Mommy. I'm not sure if matutuwa ba siya or hindi dahil nakita niya kung paano ako mawasak when Alice left me. Pero siguardo ako na maiintindihan niya and matatanggap niya. I know my Mom, palagi niya akong sinusuportahan sa mga gusto ko.

"Sayang naman, I really like Thalia."

"Mom.." iritang sabi ko.

"Okay fine, hindi na. I just missed you, uwi ka naman minsan sa bahay."

"I will. Masyado lang ako naging busy."

Maya-maya lang ay umalis na si Mommy at agad kong hinanap si Alice. Ang weird kasi parang bigla siyang nawala. I assume na nahiya siya kay Mommy. Siguro dahil na rin sa mga nangyari before.

******

Alice's POV

While I was walking away from the set, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko din naman tumambay sa coffee shops or sa kung saan man dahil nagtitipid ako.

Kaya naisip ko na makipagkita kay Gab, Ara at Chin.

Si Gab lang ang available dahil siya lang ang malapit sa location kung nasaan kami. Gagamitin niya ang vacant time niya para kitain ako.

Habang naghihintay ako dito sa meet up place namin ay halos mapanganga ako nung makita ko ang isang pamilyar na tao pero parang hindi dahil tila maraming nag-iba sa kanya.

"Gagi! Gab?"

"Gaga ba't ka nakanganga!" Sabi niya.

"Hoy, bakit ang pogi mo?!" Tanong ko at tumawa siya. "Kung di ka lang gumalaw at nagsalita pakiramdam ko lalaki ka na!" Tuwang tuwa na sabi ko.

Kung noon, mamula mula ang pisngi at labi niya dahil sa blush on at lipstick, ngayon naman ay lalaking lalaki na ang itsura at dating niya. Malambot pa rin pero hindi na talaga gaya ng dati.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now