Chapter 37

3.6K 44 10
                                    

Hux's POV

"I think, it's time for me to speak up."

Tinawagan ko si Ms. Kara. I asked him if we could meet some reporters tomorrow for an interview. Without any hesitation, she agreed. Mukhang gusto niya na ring matapos ang lahat ng kagaguhan na nangyayari. Hindi na rin namin ininform pa si Sir Aron. Bahala na kung ano man ang mangyari.

Naomi keeps on posting cryptic messages on her social media accounts and it really irritates me.

"What the heck?" Sabi ko at agad naman nakuha nun ang atensyon ni Alice na mabilis nakitingin sa phone ko.

Andeng, her sister, just posted on Facebook.

[Hindi kami nagsalita dahil ayaw naming mas lumaki pa ang issue pero sobra na kayo. Sabihan niyo na ako ng kung anu-ano pero wag niyong idamay ang anak ko. Labas siya dito.

Isa pa, walang inagaw ang Ate ko gaya ng mga sinasabi niyo. Hindi rin siya nagpa-abort!

Kung mangdadamay kayo ng ibang tao, make sure na alam niyo yung buong kwento.

Huwag kayong parang kulto sa mga iniidolo niyo. Baka madisappoint lang kayo. :'>]

Napahilamos ako sa mukha ko sa inis nung dagsain ng bashers yung comment section ng post ni Andeng.

Wala pang sampung minuto ay naging viral na rin ang post ni Andeng sa ibang platform.

HuxNaomi : Tolerate pa more.

KnightHux : Bat hindi yung ate mo ang magsalita?

PrettyNao : Wala pa ring statement from Hux. May alas ata si Ate mo girl kaya takot si Hux sa kanya.

Ria Cue : What if mahal niya lang talaga si Alicia? Mga delulu Kasi

Jenny Lyn : Walang right mag-talk ang maaga naglandi

JeanMT : Sinundo ni Hux si Alicia sa office para ilayo sa reporters. Kung di pa kayo gising sa pagiging delulu niyo, ewan ko na lang sa inyo.

HuxAndNaoMi : Stalker ni Hux si Alicia at tinethreaten niya si Hux kaya ganun.

"Fuck!" Inis na inis na sabi ko.

"Calm down love.." Sabi ni Alice para gumaan ang loob ko kahit pa aware ako na nahihirapan na din siya at litong lito na. Obvious na obvious sa kanya na pinipilit niya lang maging kalmado. Damang dama ko ang panginginig ng kamay niya.

"Nadadamay na ang pamilya mo, love. Even si Aya na walang kamalay malay. I don't want another child to get hurt dahil lang sa akin." Frustrated na sabi ko at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin. "I'm.. I'm really tired of this. Hindi ko maiwasang matakot.. baka dahil dito, mag-hiwalay nanaman tayo. B-baka maisip mo ulit na hindi tayo para sa isa't isa.."

*******

Alice's POV

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Parang may kumirot sa puso ko nung makita ko yung sakit sa mga mata niya kaya niyakap ko siya. I also realized na tama siya dahil sa tuwing nagkakaroon kami ng problema noon, palagi kong iniisip na hindi kami para sa isa't isa.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now