Chapter 26

3.7K 30 10
                                    

London.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung dumating ako dito. Kasama ko sa dorm ang dalawa sa scholars din ni Ms. Emma. Yung isa si Anne, graduating na at yung isa naman ay si Gem na second year na. So far, okay naman sila kasama. Medyo nahihiya pa nga lang ako.

Kahit dalawang araw pa lang ako dito ay nararamdaman ko na ang lungkot dahil miss na miss ko na ang pamilya ko at patuloy pa ring pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kamakailan. Lalong lalo na yung huling beses na nakasama ko si Hux.

Hindi gaya ng ginawa ko dati, hindi ako nag-deactivate sa social media. Ayoko nang iwasan ang mga updates sa buhay ni Hux bilang artista. Gusto ko siyang mas maging successful sa career niya. Gusto ko siyang maging masaya.

The moment I ended things with him was the moment I decided to be his supporter. Ayun na lang ang kayang magawa ng pagmamahal ko sa kanya.

Habang nag-sscroll ako sa Facebook ay napukaw ng atensyon ko ang isang balita tungkol kay Luke.

'Luke Mariano quits showbusiness to pursue his studies.'

Marami akong nabasa sa comment section na nanghihinayang at sumusuporta. Meron ding iilan na nang-babash sa kanya dahil sa kasalanan ng tatay nito.

Napangiti naman ako dahil sa desisyon niya at naalala ang huli naming pagkikita.

*******

Flashback.

Pumunta ako sa school kung saan ako grumaduate ng senior high dahil sa mga requirements na kakailanganin ko para sa scholarship.

Nag-ikot ikot ako sa loob habang pinoproseso pa ang mga kailangan ko.

Hindi ko naman maiwasang malungkot nung mapadaan ako sa gym.

This is where I met him. Dito rin siya nag-confess sa akin.

"My captain fish.." sambit ko habang inaalala ang mga nangyari. May kumirot naman sa puso ko.

Nung makuha ko na ang mga kailangan ko ay agad akong umalis doon at pumunta sa mall para bumili sa book store. May pinapabili kasing libro si Andeng na kailangan daw niya sa school.

"Hey.. What are you doing here?"

Agad akong napalingon nung marinig ko ang pamilyar na boses na yun at bagama't nakafacemask at sumbrero siya ay kilala ko siya. Nginitian ko siya at napaiwas naman siya ng tingin. Tila nataranta pa.

"Luke?" Tanong ko at tumango siya.

Ang liit nga naman ng mundo. Napansin ko naman na napunta ang atensyon niya sa bandang likuran ko kaya lumingon ako at nakita ko ang mga sketchpad at iilang drawing materials doon.

"Bibili ka?" Tanong ko.

"No." Deretsong sagot niya.

Napakagat naman ako sa labi ko at tinitigan ko siya na ikinatranta niya nanaman. Hindi niya alam kung saans siya titingin. Para siyang nahihiya. Para siyang hindi si Luke na nakakaintimidate ang awra.

"Bakit hindi? Ayaw mo ba ituloy yung pangarap mo?" Tanong ko sa kanya at natigilan naman siya. "You wanna be an architect right?"

Matalim na tiningnan niya naman ako pero this time, hindi ako nakaramdam ng takot.

"What do you even know?" Iritang tanong niya.

Nag-aalangan na kinuha ko sa bag yung notebook at ilang punit na pages ng sketchpad na ibinigay sa akin ni Ma'am Emma. Mabuti na lang ay hindi ko ito inalis sa bag na lagi kong gamit.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now