Uwian na.
Masyado akong naging abala sa school kaya hindi ko masyadong nahawakan ang phone ko. Tatlong linggo na lang kasi ay graduation na namin.
Nakita kong ang daming text and chats ni Hux. Puro ka-cheesyhan ang laman ng messages niya. Kung ibang tao ang makakabasa nito ay malamang sa malamang makornihan sa pinag-sasabi niya.
Nireplyan ko naman siya at sinabi kong palabas na ako ng classroom. Alam ko naman na hindi niya ako masusundo dahil na rin sa pinangako niya kay Tatay at may training ulit sila ngayon.
Matapos kong mag-reply kay Hux ay nakita kong nag-message si Ate Mai, pinapapunta ako sa bahay nila Hux, gusto daw ako kausapin ni Tita.
Napa-lunok ako. Sobrang kinakabahan sa posibleng mangyari at sabihin niya. Hinding hindi ko malilimutan ang mga narinig ko sa ospital.
Bagama't may pangamba ay dumeretso ako sa bahay nila Hux. Hindi ko ito na ito pinaalam pa sa kanya, siguro pag-tapos na lang naming mag-usap ni Tita Helen, nanay ni Hux.
"G-good afternoon po, Tita." Bati ko dito, siya kasi mismo ang nag-bukas sakin ng pinto.
Nginitian niya naman ako, ngiting hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.
"Get in. Have a sit." Sabi niya at pinaupo ako sa sala.
Umupo din naman siya sa tapat ko at inofferan ako ng orange juice.
"Alicia.." tawag niya sa pangalan ko.
"Y-yes po?"
"Hindi na ako mag-papaligoy ligoy pa."
Napalunok ako ng ilang beses. Mukhang alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"I know my son really likes you..and I have nothing against that. Pero knowing that someone like you is into him.." tumaas ang kilay niya. "Kinikilabutan ako." Sarkastiko siyang tumawa at nakaramdam ako ng kirot at pang-iinsulto dahil sa sinabi niya.
"Dahil po ba mahirap ako?" Pilit kong pinapalakas ang loob ko para makapagsalita at maipaglaban ko ang sarili ko.
"Well, hindi ako matapobre. Marami akong tinutulungang mahihirap na tao." Nakangiting sabi niya. "Pero pag-dating sa anak ko, ibang usapan na yan."
"Tingin niyo po ba pineperahan ko si Hux?"
"Yes naisip ko din yan."
"Hindi po ako ganung tao, Tita." Nangingilid na luhang sabi ko.
"Of course, you can say that..for now. But I'm sure, once my son feeds you with wealth, you'll become greedy..just like someone I know." Mapait na sabi niya.
"Kaya nga po nag-aaral akong mabuti para po maipagmalaki rin ako ni Hux-"
"Iha, whatever you do, wala kang ma-aambag sa buhay ng anak ko. Hinding hindi mo mararating ang mundo namin and I'll make sure of that."
Bumigat ang dibdib ko, sumasakit na rin ang lalamunan ko dahil sa pag-pipigil ng iyak.
"H-hindi po ba puwedeng suportahan niyo na lang po si Hux?" Lakas loob na tanong ko. "Ayaw niyo po ba siya maging masaya?"
Sarkastiko siyang tumawa.
"Of course, I would support him. Pero hindi sa relasyon niyo. Temporary happiness lang yan iha, knowing Hux. Madali siyang mag-sawa. That's why I want it to end, sinasayang niyo lang ang oras ng isa't-isa."
"Hindi po ganun si Hux.."
"Oh come on, Alicia. What do you know? 18 ka pa lang."
Hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️