Chapter 24

3.5K 39 8
                                    

Nag-tuloy ang meeting nila sa conference room ng agency. Nandito lang ako sa lobby at nakaupo. Dumating rin si Thalia doon.

Hindi ko maiwasang masaktan. Ang daming tanong at pangamba ang pumapasok sa utak ko.

What if totoo ang relasyon nila ni Thalia? What if kaya siya nag-stick sakin ay dahil gusto niya maghiganti?

Pinigil kong maiyak. All this time, akala ko gusto niya talaga akong bumalik sa buhay niya. Akala ko mahal niya pa rin talaga ako. Pero gusto niya lang pala ako saktan. Gusto niya lang pala ibalik sa akin yung naramdaman niya noon.

Hinawakan ko ang tiyan ko at mas nasaktan ako sa naisip ko.

'Mukhang hindi ka matatanggap ng Tatay mo.'

Mas napakapit ako sa tiyan ko dahil naalala ko si Aya. Hindi rin siya natanggap ng Tatay niya. Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama pero mas ayaw kong iparamdam na pati ako ay ayaw sa kanya. Kung ano mang mangyari, isisilang ko 'to. Buo na ang desisyon ko. Ready man ako maging ina o hindi.

Hindi ko rin alam kung hanggang kelan ko itatago ang pag-bubuntis ko gaya ng gusto ni Tita Helen dahil sigurado akong lolobo na ang tiyan ko bago pa ma-release ang movie nila.

Pero kailangan pa bang malaman ni Hux kung expected ko naman nang hindi niya ito matatanggap?

Gulong gulo na ako. Gusto kong mag-mura sa mga desisyon ko. Bakit parang lagi na lang akong nagkakamali?

Natapos ang meeting nila at lumulutang pa rin ang isipan ko. Hindi ko na matingnan si Hux nang maayos. Hindi din ako makaramdam ng galit sa kanya kahit ganun. Sadyang nasasaktan lang talaga ako. Siguro deserve ko ang ganti niya dahil sa pang-iiwan ko sa kanya noon pero sa ngayon ang pinaka-naiisip ko ay ang bata sa sinapupunan ko. Ang anak namin.

"Are you okay?" Tanong ni Hux sa akin habang inaayos ko yung mga gamit niya.

"Okay lang naman." Pilit kalmadong sagot ko.

"Are you sure?"

Tinitigan ko siya. Mukhang nag-aalala siya. Mukhang totoo iyon, sobrang kapani-paniwala. Sabagay, magaling nga pala siyang umarte.

"Oo, okay lang ako Hux. Sigurado ako."

Maya-maya lang ay umalis na kami. Papunta kami sa opening nang isang clothing brand. As usual, magkasama sila ni Thalia sa event na 'yun. Magkadikit na ang mga pangalan nila kaya kailangan lagi din silang magkadikit. Iyon ang gusto ng mga fans eh. Pero siguro gusto din nilang dalawa.

Naging maingay ang sigawan ng mga taong sumusuporta sa kanila nung makarating kami sa mall. Hawak hawak pa ni Hux si Thalia sa bewang at ako dito naka-tingin sa kanila na parang ang layo layo nila.

Mabilis lang naman natapos ang event at sumakay na sila Hux at Thalia sa Celebrity Van. Pinili ko naman sumabay ngayon kanila Ms. Kara.

Tsaka ko naalala yung gamot na binigay ni Tita Helen, hindi pa pala ako nakainom. Kinuha ko iyon at nagulat ako nung hawakan ni Ms. Kara ang kamay ko. Tila pinipigilan ako sa pag-inom.

"What's that?" Tanong ni Ms. Kara at napa-lunok ako nang marealize ko na baka aware siya na iniinom ito ng mga nag-bubuntis.

"M-Ms. Kara.. vitamins ko."

"Are you pregnant?"

"H-hindi po, vitamins lang po ito." Pag-papalusot ko dahil wala namang brand na nakalagay dito, nakalagay lang ito sa isang zip lock.

"Hmm, my sister is an obstetrician. Kamukha niya lang kasi yung mga abortion medicines na meron sa clinic nila." Sabi ni Ms. Kara at nanlamig ako.

"A-abortion po?"

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now