10 AM nung makarating kami sa set. Nagalit pa nga sa amin si Ms. Kara dahil halos isang oras kaming late. Paano naman kasi, umagang umaga ay puro kalandian ang inaatupag ni Hux.
"Okay, proceed to the kissing scene." Sabi ni Direk at humaplos ang kirot sa puso ko.
Hindi ako aware na may magaganap na kissing scene ngayon. I know its just a part of his job as an actor pero hindi ko maiwasang mag-selos at ang nakakainis pa ay hindi ko naman dapat iyon maramdaman dahil wala naman akong karapatan. Matagal na kaming tapos at hindi na puwedeng maging kami pa.
'Pero pumayag kang makipag-sex kagabi?!'
Napailing ako dahil sa sinasabi ng utak ko.
Pumwesto na sila ni Thalia at sinulyapan muna ako ni Hux. Iniwasan ko naman siya ng tingin.
"Okay! Action!" Sigaw ni Direk.
Hinawakan niya ang mukha ni Thalia at unti-unting hinalikan ang labi nito. Sobrang gentle nang halikan nilang dalawa pero ang bigat sa pakiramdam. Habang kinikilig ang ibang staff sa kanilang dalawa, sumisikip naman ang dibdib ko.
Pilit ko na lang iyon pinanood dahil ayokong may makapansin na nag-iba ang awra ko dahil sa kissing scene ni Hux.
Wala pang isang minuto yun pero parang ang tagal tagal. Halos hindi ako makahinga.
"Okay! Cut! Nice.. Nice!" Sabi ni Direk habang pumapalakpak pa.
Nung mag-hiwalay ang mga labi nila ay muling tumingin sa akin si Hux at this time, hindi ako umiwas ng tingin. Tinitigan ko siya as if wala sa akin ang lahat.
Nag-tuloy tuloy lang ang shoot pero patuloy rin na pumapasok sa isip ko yung kissing scene nila. Hindi ko alam kung paano ko iyon maaalis sa utak ko.
"Alice, nasaan yung gray coat ni Hux? Iyon yung next outfit niya." Sabi ni Ms. Kara.
Nataranta naman ako sa pag-hahanap at napag-tanto na naiwan iyon sa kotse.
"Naiwan po sa kotse. Kunin ko lang po." Sabi ko at agad na kinuha ang susi ni Hux.
"Okay, hurry. Kailangan yan in twenty minutes."
Dumeretso ako sa parking at kinuha agad ang coat.
"Hey.."
Halos mapa-talon ako sa gulat nung makita si Luke na nag-lalakad papalapit sa akin. Mukhang okay na okay na siya kumpara kahapon. Nakaramdam ako ng kaba nung maalalang galit nga pala ito sa akin.
'Tang ina! Kung minamalas nga naman oh!'
"Hey.. are you deaf? I'm calling you."
"Yes po?" Pilit kalmadong tanong ko.
Ngumisi siya sa akin at pinatay ang yosi na hawak niya.
"The person you saved yesterday is still alive and talking to you, aren't you happy?"
Nginiwian ko lang siya dahil sa sinabi niya. Wala ako sa mood makipag-gaguhan sa kanya. Naiinis pa rin ako sa kissing scene nila Hux at Thalia kaya sana lang ay wag na siyang makisabay pa.
"Syempre masaya po." Pilit ngiting sabi ko at umangat naman ang gilid ng labi niya.
"That's your happy face? You seem disappointed to see me."
'Syempre masaya akong buhay ka pa pero sana hindi na kita makita. Isa ka pang panira ng araw ko eh!' kung puwede ko lang sabihin yung nasa utak ko ay sinabi ko na pero ayaw ko nang gawing mas kumplikado pa ang buhay ko lalo na at si Luke 'to.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️