Chapter 4

6.2K 30 0
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung hindi magparamdam si Hux. Walang chat, texts, calls or kahit ano man. Bago yung araw na hindi siya nagparamdam ay sinabi niya sa akin na masama ang pakiramdam niya. Kaya malamang ay may sakit siya. Mabuti na lang ay tinanong ko yung mga kaibigan niya at ayon sa mga ito, tumawag daw ang parents niya sa adviser at coach nila para ipaalam na nasa ospital si Hux dahil sa dengue.

Sobrang nag-alala ako kaya heto, pinipilit ko si Gab na samahan ako sa ospital kung saan naka-confine si Hux. May training kasi sila Ara at Chin, ayoko naman silang abalahin. Susunduin daw kami nila Charles at Lenard sa school.

Mula school, narating namin yung hospital na tinutuluyan ni Hux. Agad  naman naming pinuntahan yung room number niya. Ka-text nila Lenard si Ate Mai na hiningi ko na din ang number para may update ako sa mga susunod na araw.

Nung makarating kami sa kwarto niya ay si Lenard ang kumatok at agad naman binuksan ito ni Ate Mai.

"Ay ma'am, andito na mga kaibigan ni Hux." Sabi ni Ate Mai at nakita ko si Hux na naka-swero, nanonood siya ng TV at sa couch ng kanyang kwarto ay nakaupo ang isang napaka-gandang babae na siguro ay nasa 40s na ang edad.

Nanlaki ang mata ni Hux at agad siyang ngumiti sa amin. Bakas ang tamlay sa itsura niya pero sa tingin ko ay ayos naman ang lagay niya.

"Hi Tita!" Isa isang bumeso si Charles at Lenard sa babaeng nandoon sa couch at ngumiti naman ito sa kanila. Malamang ay ito ang nanay ni Hux. Nakaramdam ako ng kaba nung mapagtanto ko iyon.

"Hi boys!" Bati niya dito at tumingin sa aming dalawa ni Gab.

"Mom, she's Alicia, or Alice for short, you can also call her Aleng." Nakangiting pag-papakilala ni Hux sa akin kahit pa halatang wala siyang masiyadong lakas. "She's my girlfriend.."

Nawala lang ang kaba ko nung ngumiti siya sa amin ni Gab.

"Oh, of course I know her. And you are?" Tanong niya kay Gab.

"I'm Gab po, Tita." Confident na sabi ni Gab na animo'y matagal na niyang kilala ito. "But you can call me ganda na lang po."

Tumawa naman silang lahat dahil sa banat ni Gab maliban sa akin na naiilang.

"I'm really glad you came guys, Hux is already getting tired of me." Sabi ni Tita at natawa naman ng kaunti si Hux. "Go iha, lapitan mo na ang anak ko." Sabi ng nanay niya at nahihiyang lumapit ako kay Hux.

Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ko siya.

"Okay na ko, sorry di kita nasabihan."

Umiling iling ako.

"Okay lang, ano ka ba. Ang importante okay ka na."

Maya-maya pa'y napuno ng tawanan ang loob ng kuwarto ni Hux dahil sa masayang kuwentuhan. Napaka-cool ng nanay niya, animo'y ka-edad lang namin.

"Anyways, I have to go na. May meeting pa ako. Hux, see you later, okay?" Sabi ni Tita.

"See you, mom."

"Ate Mai, can you help me with my things?"

"Sige Ma'am."

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now