"Nahihiya ako.. Next time na lang kaya?"
Tinaasan ko ng kilay si Hux na nag-ngangatngat ng kuko dahil sa kaba. Hindi siya mapakali.
Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at iniharap ko sa akin si Hux.
"Kalma.." sabi ko at isinuot ang facemask sa mukha niya at itinaas ang hood ng jacket niya. "Let's go?"
Hesitant pa siyang tumayo.
"Baka habulin ako ng itak ni Tito.." nakangusong sabi niya.
"Gago, kita mong hirap na mag-lakad yung Tatay ko eh. Pano ka mahahabol?"
Day off namin parehas at niyaya ko siya sa bahay namin sa Pampanga. Nung una, excited siya at walang pag-aalinlangan pero ngayong nandito na kami ay kabadong kabado na siya.
Kinakabahan din naman ako pero ayoko na kasing itago nanaman yung relasyon namin ni Hux.
Bumaba na kami ng sasakyan.
"Thanks Kuya Noel." Sabi ko dito.
Nung makarating na kami sa tapat ng bahay ay pinigilan ako ni Hux na kumatok sa gate. Bigla rin tuloy akong nataranta.
"Ayan pati ako kinabahan. Ano ba?" Inis na tanong ko sa kanya.
"What if galit pa din sila sakin?"
"Diba nakausap mo na sila? Atsaka maniwala ka sakin, hindi sila galit sayo."
Bumuntong hininga pa siya at nahawa naman ako.
"Para naman 'tong sira eh, imbis na matapos na." Sabi ko at kinatok ang gate. "Nay?" Tawag ko dito.
Agad namang bumukas ang pinto at nagtago bigla si Hux sa likod ko. Napairap na lang ako.
"Aleng!" Masayang bati ni Nanay at pinag-buksan ako ng gate. "Huh?" Sabi niya at dumungaw sa likod ko. "Sino ito?"
Kinurot ko naman si Hux at agad naman siyang umayos ng tayo.
"H-Hi po.. Tita.." sabi ni Hux at ibinaba saglit ang facemask niya at muling ibinalik ito.
"Hux?! Oh pasok muna kayo.. pasok.."
Pumasok kami sa loob ng bahay at bumungad sa akin si Tatay na nanonood ng TV, si Aya na nag-ddrawing at si Andeng na nakatutok sa laptop, mukhang may tinatapos na trabaho.
Sabay-sabay silang napalingon sa pag-pasok namin at nagkaroon ng saglit na katahimikan.
"Tita Aleng!" Tumatakbong lumapit si Aya sa akin.
"Hi baby girl!" Sabi ko at ginulo gulo ang buhok niya. Hindi ko na ito makarga gaya dati, lumaki na kasi siya pero super cute pa din.
Napapalunok pa si Hux nung pinaupo kami sa sala.
Para na siyang hihimatayin kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Hi.." sabi pa ni Aya kay Hux at nag-wave sa harap nito. "What's your name po?"
Napalitan naman ng saya ang ekspresyon ni Hux.
"I'm Tito Hux.."
Umubo naman si Tatay at muling ibinaling ni Hux ang atensyon niya dito.
"T-Tito.."
"Nagkabalikan kayo?" Seryosong tanong ni Tatay.
"Akala ko ba ayaw mo na jowain si Kuya Hux?" Natatawang singit naman ni Andeng. Sinita naman siya ni Nanay. "Okay fine, sorry."
"Yes po, nagkabalikan kami." Sabi ko nung di sumagot si Hux. "Okay naman na po tayong lahat diba?" Deretsong sabi ko at kumapit pa sa braso ni Hux na tila naninigas na sa kaba ngayon.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️