Chapter 14

4.7K 33 3
                                    

Tuluyan akong nakatulog dahil sa pag-papanggap ko kanina. Napakatagal niya kasing umalis sa tabi ko.

Agad akong napa-bangon nung mapansin kong nasa kama ako ni Hux nakahiga. Tiningnan ko ang sarili ko at buo pa naman ako. Inilibot ko ang tingin ko pero wala akong nakitang Hux sa buong condo.

Asan naman kaya siya ngayon?

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at maya maya lang ay naramdaman ko na lang ang presensya ng isang tao sa likod ko at nilingon ko naman siya.

"Saan ka galing?"

"Missed me?" Mayabang na tanong niya at tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Biro lang." Natatawang sabi niya. "Bumili ako ng dinner natin. Kain muna tayo."

Hinila niya ako papasok ng condo at pumunta kami sa dining area. Nag-simula kaming kumain.

"Oh favorite mo." Sabi niya at binigay sa akin ang strawberry sundae.

"Uhm, hindi ko na favorite yan eh. Pero kumakain pa din ako niyan, so thank you." Sabi ko dito.

"Huh?" Ngumuso siya. "You used to like strawberry ice cream."

"Hmm, siguro nasanay na akong favorite siya ni Aya kaya hindi ko na maalalang favorite ko siya? Tsaka mas gusto ko na ngayon yung matcha flavor."

Nginitian niya naman ako.

"That's also my favorite. Kaso walang available eh. Anyways, Aya is Andeng's daughter?"

"Yup." Sabi ko at sumubo ng ice cream.

"Akala ko mauuna tayong magka-baby."

Inirapan ko siya at tumawa naman siya.

"I mean, ikaw. Kala ko mauuna ka."

"Akala mo lang 'yun."

"Nasaan pala yung Tatay ng pamangkin mo?"

"Ewan. Na-deads na siguro yung gago."

Kita ko ang pag-ngiwi niya dahil sa sinabi ko.

Maya-maya lang ay natapos na kaming kumain at niligpit ko ang mga kinainan namin. Nakakahiya naman kasing magpaka-donya dito. Baka sabihin pa nang lalaking 'to na feel na feel ko yung treatment niya sakin.

Nakahiga naman siya ngayon sa kama niya at nanonood ng TV.

"Babe, you can lay here beside me if you want to."

"Tigilan mo nga ako sa kakatawag mong Babe."

"Ang sungit mo naman, Babe."

Hindi ko na siya pinansin at naligo na ako.

"Babe, naliligo ka na?"

Napangiwi ako sa tanong ni Hux na mukhang nasa tapat ng CR.

"Ano ba?" Inis na tanong ko.

"Bakit di mo ako sinama?" Bakas na bakas sa tono ng boses niya ang pang-aasar.

"Manood ka na nga lang dun. Di ako lalabas dito sa CR, sige ka."

"Eh di sususiin ko."

"Gago ka ba?!" Sigaw ko dito at dali-dali na akong nagpunas at nag-bihis.

Dinig na dinig ko pa ang pag-tawa niya.

Naka-suot ako ng oversized shirt at pajama para hindi makaramdam ng kamanyakan yung lalaking 'yon.

Lumabas na ako ng banyo at nagulat ako nung nasa labas pa rin pala siya nito.

"Anong ginagawa mo?!" Tanong ko habang humahakbang siya papalapit sa akin kaya paatras naman ako ng paatras. "Isa!" Suway ko dito pero hindi siya nagpa-tinag. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa at ngumisi. Paatras ako ng paatras hanggang sa hawakan niya ako sa balikat. Tila nanghina ako dahil dun.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now