It's been three months since I came home from London. Three months na rin nung nag-simula ako mag-trabaho under LEM fashion brand team as one of the designers. So far, marami akong natututunan at very professional ang mga katrabaho ko.
Masasabi kong sobrang saya ng pakiramdam ko dahil nagagawa ko na ang bagay na pinapangarap ko noon pa. Hindi ko inexpect na from being a janitress, online tutor at personal assistant ay mararating ko 'to. Nakakataba ng puso.
"Alice!" Tawag sakin ni Sir Kev. "Good news! Sheryl Mendoza liked your design. Iyon yung gusto niyang suotin sa gaganapin na teen celebrity ball next month."
Halos mapatalon ako dahil sa sinabi ni Sir Kev.
"Really, Sir Kev?" Tuwang tuwa na sabi ko dahil isa si Sheryl Mendoza sa teen actress na namamayagpag ang kasikatan ngayon.
"Oo nga! I know you are going to make it. Bago ka palang pero kitang kita ko na yung potential mong makipag-sabayan sa mga nauna sayo dito." Bulong niya pa sa akin para hindi ito marinig nang ibang kasama ko. Napangiti naman ako dahil sa compliment na binibigay niya.
I literally gave my best para sa design ko na 'yun at mukhang maganda naman ang naging resulta.
Dumating ang araw na ififit na ni Sheryl yung gown na ginawa ko at nung dumating siya ay namangha ako. Sobrang ganda niya kahit simpleng shirt at maong pants lang ang suot niya. Wala rin siyang make-up.
Grabe na yung mga kabataan ngayon, ang gaganda.
"OMG! I so love it!" Sabi ni Sheryl habang tinitingnan ang sarili sa salamin. "Ms. Alice, I was right in choosing you."
Of course, invited rin ang team namin sa ball dahil mostly sa amin ay ang gumawa ng gowns ng mga celebrity na invited dito. Sa ngayon, kakarating lang namin ng venue. Halos mamangha ako dahil first time ko makapunta sa ganitong event. Ang sosyal!
Maya-maya lang ay isa-isa nang pumasok at nag-lakad sa red carpet ang mga teen actors and actresses. Meron mga familiar na mukha at meron ding mga bago. Lahat sila ay talagang magaganda at guwapo.
Proud na proud naman ako nung mag-lakad si Sheryl sa gitna ng red carpet habang suot ang design na gawa ko. Vinideohan ko pa siya at ini-story ko pa siya sa IG.
"Wow! And here's Sheryl Mendoza looking so gorgeous with her gold floral strapless gown." Sabi ng host habang naglalakad si Sheryl. "This gown is made by one of the rookie designers from the LEM brand fashion team, Alicia Grace Lopez."
Hindi ko maitago ang ngiti ko nung mabanggit ang pangalan ko. Hinding hindi ko ito makakalimutan dahil ito ang unang gown na nagawa ko at nasuot nang isang sikat na artista sa isang sikat na event pa.
The event started and I'm with my team, having a feast. Sobrang sarap ng mga pagkain.
"And of course, let's welcome our special guest, Mr. Huxlee Valencia!"
Halos tumigil ang mundo ko nung marinig ang pangalan niya. Bumilis rin ang tibok ng puso ko. I'm hoping na mali lang ang ang narinig ko pero there he is, standing in front of the crowd.
"He will award the King and Queen of the night." Sabi pa ng MC.
I stared at him. Bagay na bagay sa kanya yung black na black na buhok and curtain hairstyle. Hindi ko mawari kung ano pa ang nagbago sa kanya pero mas gumwapo siya at mas naging malakas ang dating.
"Good evening, everyone." Bati neto sa crowd at nag-tilian ang mga kabataang babae. "I'm Huxlee, I'm not a teen but I was invited." Natatawang sabi nito at natawa rin ang iilan. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Napakagaan ng awra niya. "So the King of the Night award goes to.." malalim ang boses na sabi pa nito. "Kean Del Valle."
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️