Dali-dali akong lumabas ng kwarto.
"Nay, Tay, labas lang ako saglit, may bibilhin lang." Hindi ko na sila hinintay sumagot at agad na lumabas ng bahay.
Pinigilan kong mapasigaw nung makita ko si Hux na nasa labas ng gate at aamba ng katok.
"Uy, Babe-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinila ko na siya palayo sa tapat ng bahay namin.
"Asan yung kotse?" Tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid. Hindi ko nanaman siya hinintay sumagot nung makita kong naka-park yung sasakyan sa tapat ng ikatlong bahay mula sa amin. Natatarantang hinila ko siya papunta doon.
Agad kaming sumakay doon at nung makaupo kami ay hingal na hingal ako.
"Babe, bakit- Ouch!"
Binatukan ko siya at napahawak siya sa ulo niya.
"Bakit ka nandito?"
Ngumuso naman siya sa tanong ko.
"Baka kasi bigla ka nanaman umalis or mawala." Sabi niya na parang isang batang takot maiwan ng Nanay.
"Hux, babalik nga ako atsaka pano mo nalaman exact address ko?"
"R-resume mo." Iwas tingin na sagot nito.
"Okay.. okay. Pero please, wag mo naman ako bibiglain ng ganito."
"Gusto ko rin sana kasi kamustahin yung pamilya mo. Especially si Tito, sabi mo kay Direk, na-stroke siya."
Napakagat ako ng labi at nakaramdam ng kaba.
"Hux, hindi ka puwede basta-basta pumunta dito, paano kung makita ka ng mga tao? Eh di nagulo na yung bahay namin?"
"S-sorry, hindi ko naisip 'yun."
*******
Hux's POV
I followed Alice. Hindi ako mapakaling wala siya sa tabi ko. Takot na takot ako na baka mawala siya ulit.
"Hux, pumunta ka talaga dito sa Pampanga para lang sakin?"
I nodded. Hindi ko maiwasang mahiya dahil baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya dahil sinundan ko pa siya dito. Pero hindi ko talaga kasi siya matiis.
Bumuntong hininga siya at may sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon pa napag-tuunan ng pansin dahil nakita ko si Tito na lumabas ng gate, iika-ika maglakad at iba na ang tindig ng katawan, hindi gaya ng dati. Hindi ako makapaniwala at parang may tumutusok sa puso ko. I never had a dad like Alice's father kaya ang laki ng impact niya sa buhay ko dahil sa kanya ko naranasan yung father and son bonding kahit hindi ko naman siya tatay. Kaya nung nawala si Alice, pati sila ng pamilya niya nawala sa buhay ko kaya naging mas masakit para sa akin.
Nakita naman ni Alice ang tinitingnan ko at napakagat siya sa ibabang labi niya nung makita ito.
"S-si Tito.."
"Hux.."
"Hindi ko ba talaga siya puwedeng makausap?" Tanong ko kay Alice.
Umiling iling siya.
Nakita ko naman si Tito na agad ding pumasok sa bahay.
"Please Hux, hindi puwede. Huwag ngayon."
Pilit ko inintindi na hindi puwede kaya tumango na lang ako. Pero sa totoo lang bakit tila nilalayo ako ni Alice sa pamilya niya, or sa buhay nila?
"Hux, please umuwi ka na at mag-pahinga. Gusto ko rin sana mag-pahinga muna."
Tinitigan ko si Alice atsaka niyakap.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️