Luke Mariano's parents are here - Lance and Emma Mariano, the owner of LEM Entertainment. Nandito daw sila to support their son dahil ngayong araw ang last shoot.
Bata pa lang ako ay napapanood ko na ang mag-asawa sa telebisyon. Sobrang sikat na sikat nila hanggang ngayon. Grabe din naman kasi ang husay nila sa pag-arte. No wonder, nakuha ni Luke ang talentong 'yun.
"Okay, cut!"
Nag-palakpakan ang lahat dahil sa pagtatapos ng huling eksena. Grabe, ganito pala kapag natapos ang isang project. Napaka-fulfilling sa pakiramdam.
Napaiwas ako ng tingin nung mahigpit na niyakap ni Thalia si Hux.
"We did it!" Dinig ko pang sabi nito. Nung ibalik ko ang mga tingin ko ay nakayakap na rin si Hux sa kanya kaya parang may kumirot sa puso ko.
Hindi ako masyadong naaapektuhan sa mga yakapan nila sa eksena pero iba yung epekto nito sa akin kapag off-cam.
Nagulat ako nung lapitan ako ni Ms. Emma Mariano, mom ni Luke. Bumeso siya sa akin na ipinagtaka ko at ipinagtaka ng lahat. Nahagip pa ng mga mata ko ang naniningkit na mga mata ni Hux na nakatitig sa akin.
"Hi.." sabi nito sa akin at bumitaw.
"Hello po.."
Nakahinga naman ako nang maluwag nung isa-isa niyang bineso ang iba ko pang kasama. Akala ko ay ako lang. Muntik pa ako magtaka kung bakit.
Kanya-kanyang alis muna kami pabalik sa mga kwarto namin para makapag-ligpit at makapag-ayos dahil maya-maya lang ay may celebration na magaganap.
"Mag-tu-two piece ako mamaya." Sabi ni Nicole habang nasa elevator kami. "Baka makasungkit ako ng Modelo."
Kasama namin si Hux, Ms. Kara at Amy.
"Gaga. Bigyan mo naman kami ng kahihiyan." Biro ni Amy at inirapan siya ni Nicole.
"Oy, excuse me. Chubby is the new sexy! Diba sir Hux?"
Napangiwi naman si Hux at pigil kaming natawa nila Ms. Kara at Amy sa reaksyon niya.
"Grabe 'to si Sir Hux."
Tumawa naman si Hux.
"Go lang. Dapat confident ka." Sabi ni Hux kay Nicole.
"See?" Mayabang na sabi ni Nicole.
"Mag-two piece ka din Alice?" Tanong ni Ms. Kara.
"No, hindi pwede." Sagot ni Hux at nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.
"Ay concern?" Sabi ni Amy na may halong panunukso.
"Itong si Sir Hux, kaya naman pala magka-gusto sa isa sa amin, ba't di mo pa dalawahin." Dugtong naman ni Nicole at di ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung makapag-salita sila ay parang aware sila sa mga nangyayari sa amin ni Hux. Ba't ba ang tagal namin makarating? Kinakabahan na ako at baka saan pa mapunta tong usapang 'to.
"Sorry Nics, loyal ako eh." Sagot ni Hux at nag-pigil naman ng kilig si Amy at siniko pa ako ni Nicole.
"Loyal daw tih. Sino ka dyan?" Pang-aasar pa nito.
"Oh girls, zip your mouth lang ha." Sabi ni Ms. Kara at napakagat naman ako ng labi.
Nung makarating kami ni Amy at Nicole sa room namin ay tinanong ko sila.
"About sa kanina guys.." panimula ko.
"Oh, wag mo na i-deny! Obvious na obvious kaya yung lagkit ng tingin sayo ni sir Hux ever since dumating ka." Sabi ni Nicole.
"Oo nga. Hindi na lang namin ikaw pinilit paaminin nung team dinner natin dahil baka uncomfortable ka." Dugtong ni Amy.
"S-sorry.."
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️