Chapter 40

4.2K 38 19
                                    

It's been a month since Hux and I got engaged and found out that I am pregnant. 

"The reception, church and food were settled. Ano pa ba?" Tanong ni Andeng na busy sa pag-lilista ng mga nabayaran na para sa gaganapin na kasal namin ni Hux sa sunod na buwan.

Yes, next month na agad. We have waited enough para patagalin pa ang lahat. Mas okay rin iyon dahil magkakaroon na kami ng baby. Kasal na lang kasi talaga ang kulang sa amin.

Nag-volunteer si Andeng na maging organizer dahil may experience naman siya sa pag-oorganize ng mga events. Habang ako naman ang mag-dedesign ng mga susuotin namin sa kasal.

Ilang beses pa namin pinagtalunan ni Hux ang set up sa kasal.

"Love, okay na sakin yung simple lang. Yung tayo-tayo lang." Suggestion ko kay Hux habang nakahiga kaming dalawa sa kama at pinag-uusapan ang kasal.

"Pero love, minsan lang tayo ikakasal. Atsaka you deserve an etravagant wedding. Gusto ko maranasan mo 'yun."

Ngumuso naman ako.

"Love, alam kong mayaman at nag-uumapaw ka sa pera pero hindi naman natin kailangan ng sobrang bonggang kasal. Ang importante sakin, makasal tayo."

"Baka kasi masapawan ng ganda mo yung venue, paano pag ma-inlove sayo yung waiter?" Sabi niya at hindi ko mapigilang matawa kaya natawa rin siya.

"OA ka talaga." Natatawang sabi ko at pinisil niya naman ako sa pisngi at tinitigan ako sabay yakap ng mahigpit.

"I'm so excited to be your husband, love.."

Yumakap din ako sa kanya pabalik.

"Same. So ano, goods ka na? Magkasundo na tayo?"

"Hmm.. ayaw mo talaga ng bongga-"

"Hux naman eh.. alam mo i-save na lang natin yung gagastusin natin sa kasal para kay Baby." Sabi ko at kumislap ang mga mata niya.

Everytime na binabanggit ko ang baby namin ay laging nangingislap ang mata niya.

"Alright love, dahil babae ka.. ikaw na Ang tama." Sabi niya at natawa naman ako.

"Gago ka talaga."

Natigil ang pag-iisip ko sa pagtatalo namin ni Hux nung magsalita si Andeng.

"What if si Kuya Gab ang mag-host?" Suggestion niya.

"Uy pwede! G yan si bakla."

Napatingin ako sa phone ko nung ma-receive ko ang text ni Hux.

'Love, dito na ko sa labas.'

Dali-dali akong tumayo nung mabasa ang message ni Hux.

"Deng, andyan na si Hux. Sibat muna kami." Sabi ko at lumabas ng apartment ko at iniwan si Andeng.

Sumakay ako sa sasakyan at humalik naman ako sa pisngi niya na labis na nagpangiti sa kanya.

"Sweet.." Sabi niya at pinisil pa ang pisngi ko na may halong panggigigil.

"Sakit ah.." Sabi ko.

"Sorry, love. Let's go.." Sabi niya at nag-drive.

Papunta kami sa hospital para ipa-check up ang dinadala ko. Humawak pa ako sa tiyan ko na wala pa namang umbok.

Puno ng tawanan, kwentuhan at asaran ang sasakyan dahil sa aming dalawa. Ganito kami lagi kapag mag-kasama. Pakiramdam ko hindi lang boyfriend or fiance ko ang meron ako kundi best friend din.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now