'Luke Mariano' is here.
A nepo baby. His parents are well-known in the showbiz industry.
Actually, sa tagal kong walang update sa showbiz and social media, ngayon ko lang siya nakilala. Nandito kasi siya ngayon sa set dahil isa siya sa casts ng movie.
In fairness, litaw na litaw ang ka-guwapuhan niya. Pero usap usapan kasi ng mga staff na kasama ko dito ay ma-attitude daw ito at maraming naging babae. Sadyang marami lang itong koneksyon kaya madaling napapatay ang mga issue sa kanya. Isa pa, sobrang galing daw nitong umarte kaya marami pa din ang sumusuporta sa kanya.
Lunch break na at nag-order kami ng lunch para sa lahat. Tinulungan ko si Amy, isa sa mga staff na mag-distribute ng pagkain. Dala-dala ko ang drinks at hinanap ng mga mata ko si Hux dahil wala siya dito sa labas. Siguro ay nasa loob na siya ng hotel room at nag-aayos. Nandito kasi ang set sa isang hotel sa BGC. Hindi ko namalayang may tao sa harap ko kaya nabunggo ko ito.
"What the fuck?!" Sigaw niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nung mag-angat ako ng paningin at makitang si Luke ito. Basang basa yung damit niya dahil natapunan ko siya. Galit na galit siya sa akin at lumapit naman sa amin ang ibang staff.
"Sorry po sir.." sabi ko at natatarantang pinunasan ko yung damit niya gamit ang panyo ko pero inis niyang tinabig ang kamay ko.
"No need. Tsk! Are you blind or just dumb?!" Muling sigaw nito sa akin.
"Luke, that's enough." Suway sa kanya ng manager niya. "She didn't do it on purpose."
"Sinong tanga ang mag-lalakad nang hindi tumitingin sa nilalakaran niya?!"
"Luke! Not this time.. Please control your temper." Muling suway ng manager niya at tumingin sa akin. "You can go, it's okay."
"Anong okay dito, Sandra?! Look!" Turo niya sa sarili niyang basang basa ng juice.
"Change outfit. Ano ba?" Inis na sabi ng manager niya.
"I'm sorry po talaga-"
"Sorry lang?!" Sigaw nito.
"What's happening here?" Biglang dating ni Ms. Kara.
Pinaliwanag naman sa kanya ng ibang staff na nakakita sa nangyari ang dahilan ng galit ni Luke.
"We're really sorry.." sabi ni Ms. Kara kay Luke at sinamaan siya ng tingin nito.
"It's alright, Kara. I'll handle him. Hindi na rin ito bago." Sabi ni Ms. Sandra.
"So ano?! Are you just going to stand there?" Iritang tanong nito sa akin at nangingilid na yung luha ko dito dahil sa sobrang kahihiyan.
"What do you want her to do then? Kneel?! Fix your temper, asshole." Biglang dating ni Hux at pumwesto sa harapan ko. Tila pinoprotektahan niya ako kaya hindi ko maiwasang manlambot dahil sa ginagawa niya.
"Oh my gosh, you're starting again." Singit naman ni Thalia.
"So pag-tutulungan niyo ako? Tang ina." Sabi ni Luke at sarkastikong tumawa. "I'll keep an eye on you, dimwit." Banta nito sa akin at pumasok na sa tent niya.
Narinig ko ang buntong hininga na pinakawalan ng lahat.
"Oh my god, he's really rude. Are you okay?" Tanong ni Thalia sa akin at pilit naman akong tumango. "Kaya ayaw ko maka-work yan eh." Bulong ni Thalia kay Hux na seryosong naka-tingin sa akin.
"Let's go inside."
Hinila ako ni Hux pasakay ng elevator at kahit maraming naka-tingin sa amin ay hindi ko na iyon napansin pa dahil sobrang tuliro ako sa mga nangyari. Nakakatakot magalit si Luke. Siguro kung walang tao sa paligid ay baka nasapak niya na ako.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️