"The one and only.."
Tumayo siya mula sa inuupuan niya at pinatong ang wine sa mesa. Napakapit ako dahil sa gulat sa inuupuan ko or should I say hinihigaan ko dahil tila nasa isang massage chair ako.
Ang astig naman, may ganito sa sasakyan niya.
Bago pa ako tuluyang malamon nang pagiging ignorante ko ay binalik ko ang atensyon ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinukod ang mga kamay sa sandalan ng massage chair. Parang ang dating ay cornered niya ako. Nakatingala lang ako sa kanya at nakayuko naman siyang naka-tingin sa akin.
Late nag-sink in sa akin ang ayos namin kaya bumangon ako at umalis doon sa pwesto na yun at tinabig yung mga kamay niyang nakaharang tsaka lumipat sa ibang upuan.
"A-anong ginagawa ko dito? Ikaw ba yung nagpa-kidnap sa akin?" Tanong ko at kumunot ang noo niya sabay ngumisi.
"You're here because I wanna ask you something." Sabi niya umupo sa katabing upuan.
Ano naman kaya yun? Hihingi ba siya ng closure? Tatanungin niya ba kung bakit ko siya iniwan? Kasi kung ayun lang yung pag-uusapan namin, hindi ko rin siya masasagot. Isa pa, para saan pa? Mukhang okay na okay naman na siya.
"That kid on your wallpaper.." bumuntong hininga pa siya. "Is she mine?"
Kung may iniinom lang akong tubig ngayon paniguradong nasamid na ako dahil sa sinabi niya.
Ibig sabihin ayun ang gusto niyang itanong?
Talagang naniniwala siyang nanay na ako? Sabagay, mukha na akong may tatlong anak dahil sa itsura ko ngayon.
Tumawa ako ng kaunti dahil sa sinabi niya at tila lumambot ang ekspresyon niya.
"Why are you laughing? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. I'm just asking if I'm the baby's father.. Uhm.. Remember, I came inside you-"
"Okay, stop! Preno ka muna." Pinutol ko ang sasabihin niya dahil ayoko nang maalala pa yung huling nangyari sa amin. "Hindi mo siya anak, okay?" Hinarap ko pa sa kanya yung wallpaper ko. "Kita mo? Ang layo diba? Hindi mo kamukha at hindi ko rin kamukha."
Tila dismayado naman siya sa narinig niya.
'Gusto niya na ba maging Tatay?!'
"Pero kung bibilangin, posibleng ako yung ama unless.." tila nag-isip pa siya at nanlilisik na tiningnan ako. "You cheated on me?!"
Tila nainsulto ako sa sinabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Wala akong paki kung artista o mas big time na siya ngayon.
"Excuse me lang ha? Never akong nag-cheat sayo-"
"Eh sino nga yung Tatay niya? Dahil ba nabuntis kita kaya ka umalis? Nagalit ba sakin sila Tito at Tita? You know, kung sinabi mo lang papanagutan naman kita eh-"
"Patapusin mo kaya muna ako bago ka mag-rap diyan?" Iritang tanong ko sa kanya. "Una sa lahat..Sino bang may sabing anak ko 'tong nasa wallpaper ko?"
"H-hindi ba?" Napapahiyang tanong niya at nag-pigil naman ako ng tawa.
Ang cute kasi niya pag napapahiya. Tulad na tulad pa rin ng dati yung expressions niya.
"Hindi. Assumero ka ng taon ah." Sabi ko dito. Iniwas niya naman ang tingin niya sa akin. "Anak ni Andeng 'yan."
Nanlaki ang mga mata niya at tila hindi makapaniwala.
"May anak na si Andeng? Four years old?!"
Tumango ako.
"W-what happened?"
"Shit happens..hehe. Oh siya, tutal nasagot ko na 'yung tanong mo, puwede na ba akong bumaba? Ang layo ko na oh. Imbis na wala akong gagastusin sa pamasahe eh." Pag-rereklamo ko.
YOU ARE READING
Exploring The Unknown (SPG)
RomanceA story of ex-lovers who happened to cross paths again. Would it remind them the memories of their passionate love? SPG | Read at your own risk‼️