Chapter 21

4.2K 31 5
                                    

Nung makauwi kami sa condo niya ay inangkin niya nanaman ako. Tila sabik na sabik siya sa akin. Hindi niya nanaman alam ang uunahin niya.

Hiniga niya ako sa kama at pinutol ang halikan namin sabay titig sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya at inayos ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko.

"Mahal mo na ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Oo.." Sabi ko at sinunggaban siya ng halik.

Maya-maya lang ay natagpuan ko na lang ang mga sarili namin na hubo't hubad na.

I'm aware of the things that could happen kapag tinuloy ko 'tong feelings ko kay Hux pero ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya. Hinihiling ko na sana this time ay maintindihan na ako ng mga magulang ko sa desisyon ko.

Nahinto kami sa ginagawa namin nung nag-ring ang phone ni Hux.

"Hux.. May tumatawag.." Sabi ko habang hinahalikan niya ako sa leeg. Hindi niya naman ako pinansin at pinag-patuloy lang ang ginagawa niya.

Hindi niya ito sinagot at maya-maya lang ay muling nag-ring ito kaya pinahinto ko siya.

"Hux, sagutin mo kaya muna." Sabi ko dito at kunot noo naman na bumangon siya.

"Kainis." Bulong niya at lumapit sa mesa para kunin ang phone niya. "Hello?" Pilit kalmadong sagot niya at pinanood ko lang siya na tila nag-bago ang ekspresyon sabay labas ng kuwarto.

Matapos ang tatlong minuto ay pumasok na siya at binuksan ang closet niya at nag-bihis.

"May pupuntahan lang ako, I'll be back. Matulog ka na, okay?" Sabi niya at mabilis na humalik sa noo ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Tumawag si Kara, pinapatawag kami ni Sir Aron, may urgent meeting daw sa agency."

Tumango tango naman ako.

"See you later." Sabi niya at muli akong hinalikan ng mabilis sa labi.

Nakatulog ako nung umalis siya at nung magising ako ay agad kong tiningnan ang oras. Alas dos na pero wala pa rin si Hux.

Tiningnan ko ang phone ko para makita kung may text siya pero wala.

Naputol ang pag-aalala ko nung bumukas ang pinto ng kuwarto at dumating si Hux.

"Why are you still awake?" Tanong niya sa akin at nag-hubad naman siya ng shirt at pantalon niya. Tanging boxer shorts na lang ang tinira niya. Sinalampak niya ang sarili niya sa kama at yumakap sa akin.

"I'm tired." Sabi niya.

"Pahinga na." Sabi ko at yumakap sa kanya pabalik.

Humalik naman siya sa noo ko.

"Good night."

9:30 AM nang magising ako sa tunog ng door bell. Tiningnan ko si Hux na mahimbing na natutulog. Mukhang pagod na pagod pa din.

Sino naman kaya iyon?

"Hux.."

Ayoko man siyang gisingin ay wala akong magagawa. Hindi ko puwedeng buksan ang pinto dahil natatakot akong paparazzi or kung sino man iyon. Baka bigla na lang magkaroon ng issue si Hux dahil sa akin.

"Hmm?" Mapungay na matang tanong niya sa akin.

"May tao ata.." sabi ko at tila tinatamad naman siyang tumayo.

Nag-bihis muna siya bago lumabas ng kwarto.

Na-curious naman ako kung sino ang dumating kaya pilit ko pinakinggan sa likod ng pinto ng kuwarto ang mga tunog na nasa labas. Napakunot ang noo ko nung marinig ko ang isang boses ng babae. Bagama't hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ay hindi ako puwedeng magkamali. Boses iyon ni Thalia.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now