Chapter 30

3.6K 34 6
                                    

Pinagsusuntok niya yung lalaki hanggang sa hindi ito makalaban. Puno na rin ng dugo ang mukha nito.

"You deserve to die! You fucking asshole!" Galit na galit na sabi ni Hux habang walang tigil sa pag-suntok dito.

"Hux.. Tama na!" Sabi ko nung mapansin kong wala nang malay yung lalaki pero hindi niya ako pinakinggan. Patuloy lang siya sa ginagawa niya. "Hux please.. Tama na.." umiiyak na sabi ko dahil baka kung ano pang hindi magandang mangyari sa kanya kapag tinuloy tuloy niya yung pananakit sa lalaki.

"No." Seryosong sabi niya at galit na galit pa rin na pinag-sasapak ang lalaki.

Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya sa likuran at hawakan ang mga kamay niya para mapakalma siya sa ginagawa niya. Unti-unti siyang napahinto at tumigil. Binitiwan niya ang lalaki at bumagsak ito sa buhangin.

"Sorry.. sorry Hux.." umiiyak na sabi ko habang nakayakap sa likod niya. "Don't do this.."

Naramdaman ko ang pagkalma niya at ang pag-alis niya ng mga kamay ko sa katawan at braso niya. Unti-unti siyang humarap sa akin at sa unang pagkakataon simula nung makita ko siya ulit, nasilayan ko ang mga mata niyang puno ng emosyon. Parang puno ito nang pag-aalala. Bagay na madalas kong masilayan sa kanya noon.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at hinubad niya ang jacket niya tsaka ito isinuot sa akin.

Maya-maya lang ay may tinawagan siya at hindi katagalan ay dumating sila Ms. Kara, Kuya Noel, Kuya Alex at ang mga pulis. Nag-sulputan din ang mga tao sa paligid nung mapagtanto na may krimen na naganap ngayon sa resort.

'Napakaraming tao, asan kayo kanina nung kailangang kailangan ko kayo?!'

"Oh my god! Alice!" Takbo ni Sir Kev papalapit sa akin at niyakap ako. "Who did this to you?!" Sabi niya at nilingon ang lalaki na dinampot ng mga pulis. Gising na ulit ito. Agad siyang nilapitan ni Sir Kev. "Hoy! You asshole! Ang panget mo gago!"

"Alice, dear.. Are you okay?" Tanong ni Ms. Emma at niyakap ako.

Maya-maya lang ay nasa police station na kami at masama ang tingin na ibinigay ko sa lalaki na ngayon ay putok na putok na ang mukha.

Kinilabutan ako nung mapag-alaman namin na siya rin pala yung nang-harass sa beauty queen na si Naomi two months ago. Hindi daw ito nahuli dahil nakapag-tago daw ito agad. Napag-alaman din namin na hindi lang pala kaming dalawa ang naging biktima niya. Nag-positive din ito sa drugs.

'Tingnan natin kung may mukha ka pang ihaharap kapag nakabalik ka sa wisyo mo, gago!'

"Huwag niyo nang papalabasin yang gagong yan." Sabi ni Hux.

Nung makaalis kami sa police station ay muli kaming bumalik sa resort.

"You should go home." Seryosong sabi ni Hux, wala nanaman siyang emosyon. "Pack your things, ipapahatid kita kanila Noel."

"Okay lang, bukas na lang ako uuwi-"

Nagulat ako nung sinamaan niya ako ng tingin. Isang tingin na nakakatakot at nakaka-intimidate.

"Go home." Sabi niya ulit.

"O-okay.." Wala na akong nagawa kundi pumayag.

Inihatid ako ni Kuya Noel hanggang sa apartment ko at hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyari.

Takot na takot pa rin ako. Akala ko katapusan ko na 'yun. Mabuti na lang talaga at dumating si Hux para iligtas ako.

Kinabukasan naging laman ng balita ang nangyari.

'Naomi's assaulter was captured last night by Huxlee'

A lot of people are praising him in the comment section kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Deserve ng lahat na malaman yung kabutihan ni Hux.

Exploring The Unknown (SPG)Where stories live. Discover now